LABING-ISANG hinihinalang mga biktima ng human trafficking syndicate ang iniligtas ng mga tauhan ng Philippine Navy-Naval Forces Western Mindanao habang sakay ng isang motor launch sa Bongao, Tawi-tawi. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci, nagsagawa ng anti-human trafficking operation ang intelligence operatives ng NFWM, katuwang ang 1st Special Operations Unit Maritime Group at Local Government Unit-Local Committees on Anti-Trafficking, na nagresulta sa pagkakaligtas sa 11 hinihinalang mga biktima ng human trafficking. Binubuo ang mga ito ng dalawang babae at…
Read MoreAuthor: admin 5
Sa Zamboanga Sibugay MGA ISDANG TAMBAN, DUMAGSA SA DALAMPASIGAN
ZAMBOANGA SIBUGAY – Laking gulat at tuwa ng mga residente ng Buluan Island sa bayan ng Ipil sa lalawigan nang bumulaga ang tone-toneladang mga isda sa kanilang dalampasigan nitong Miyerkoles ng umaga. Sa video na kuha ni Jazten Melendez, residente ng lugar, makikitang nagtatalunan sa buhanginan ang buhay pang mga isdang tamban. Kanya-kanyang lagay sa kanilang lalagyan ang mga residente na sinasabing biyaya umano ito sa kanila ng dagat. Mapapansing tila naitaboy ng alon ang mga isda patungo sa buhanginan. Hindi ito ang unang pangyayari na dumagsa ang mga isdang…
Read MoreREBELASYON NI LASCAÑAS VS. VP SARA PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA
UMAPELA ang isang militanteng mambabatas sa liderato ng Kamara na imbestigahan si Vice President Sara Duterte na isinangkot ng whistleblower na si Arturo Lascañas sa drug killings sa bansa. Ayon kay House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro, hindi dapat ipagkibit-balikat ang rebelasyon ni Lascañas lalo na’t maraming inosenteng mamamayan ang napatay sa drug war ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte. “It is no wonder that VP Duterte’s position is not to cooperate with the International Criminal Court (ICC) because it would seem that…
Read MoreSABAYANG DRUG TEST NINA BBM AT DUTERTE SUPORTADO SA SENADO
UPANG matapos na ang patutsadahan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos, iginiit ni Senador Risa Hontiveros na dapat sumalang sa drug test ang mga ito. Ginawa ni Hontiveros ang pahayag kasunod ng hamon ni Duterte sa Pangulo na sumalang sa drug test matapos ang kanyang akusasyon na nakasama sa drug watchlist ang kasalukuyang lider ng bansa. Iginiit ng senador na dapat ay walang duda at boluntaryo ang pagpapa-drug test. Sa hamon ng dating Pangulo, dapat sa Luneta Park isagawa ang drug testing ng isang independent entity o…
Read MorePILIPINAS BUKAS SA EXPANSION PLANS NG MGA KUMPANYA SA VIETNAM
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga negosyante sa Vietnam na ikonsidera ang Pilipinas sa expansion plans para kanilang mga negosyo. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa luncheon kasama ang Vietnamese at Filipino businessmen. Ayon sa Pangulo, maaaring maging secondary location ang Pilipinas para sa manufacturing operations ng mga negosyante sa Vietnam. “The Philippines can serve as a secondary location in support of your manufacturing operations in Vietnam, especially in key sectors such as energy, infrastructure, automotive, and services,” ani Marcos. Welcome din sa Pangulo ang naging alok…
Read MoreVIETNAMESE LEADERS NAPANSIN PAGGANDA NG EKONOMIYA NG PILIPINAS SA ILALIM NG MARCOS ADMIN
TUMANGGAP ng papuri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa mga Vietnamese leaders sa kanyang pamamahala sa bansa matapos magtala ng mataas na economic growth rates sa kabila ng global challenges sa world market. Binati ni Vietnam President Vo Van Thuong si Pangulong Marcos sa socio-economic, foreign policies, security and defense achievement ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato. Pinuri din ng Vietnamese chief si Marcos sa mabungang kinahinatnan ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam. Sinabi rin ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh na nais…
Read MoreMga apektado ng PUV modernization nganga PANGAKONG TRABAHO NG DOTr DRAWING – SOLON
PANGAKO lamang o ‘drawing’ ang tulong na ibinida Department of Transportation (DOTr) sa mga driver at operator na mawawalan ng hanapbuhay sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Pahayag ito ni Bulacan Rep. Tina Pancho sa pagdinig ng House committee on transportation kaugnay ng PUVMP na iniimbestigahan dahil hindi nareresolba ang problema ng operators at drivers at pinagdudahang batbat ng katiwalian. Ayon sa mambabatas, mismong ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) ang nagsabi na hindi nila kayang bigyan ng trabaho o hanapbuhay ang mga driver at…
Read MorePNP dumepensa PROMOSYON NG ‘DAVAO BOY’ NA HENERAL BIGAY-BAWI
DUMEPENSA ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nangyaring bigay-bawi na promosyon ng ikalawang mataas na opisyal ng ahensya. Nilinaw kahapon ng pamunuan ng PNP na tanging ang Pangulo ng Pilipinas ang may kapangyarihan na magtalaga ng senior officials para sa top hierarchy nito. Wala rin umanong katotohanan na dahil sa pagiging ‘Davao Boy’ ng isang senior official na kabilang sa command group kaya binawi ang inihayag na appointment nito. Paglilinaw ng PNP, manggagaling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ng mga top brass ng Pambansang Pulisya gaya ng…
Read MoreTingog at DSWD nagpadala naman ng 51K food packs P150-M AID INILABAS NG LIDERATO NG KAMARA PARA SA FLOOD VICTIMS SA DAVAO REGION
AGAD inendorso ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapalabas ng P150 milyong financial assistance ng Marcos administration para sa mga biktima ng baha sa Davao region na aabot sa libu-libong katao na ang naapektuhan. Kasabay nito, ang tanggapan naman ni Speaker Romualdez at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ay patuloy ang pagsasaayos para agad maipakalat ang 21,000 food packs sa lugar mula sa personal “calamity funds” ng lider ng Kamara. Gayundin, ang tanggapan ng Speaker at Tingog party-list ay nakipag-ugnayan sa DSWD para agad magpalabas ng…
Read More