DIGONG KAY BBM: SABAY TAYONG MAGPA-DRUG TEST SA LUNETA

UPANG patunayan kung sino sa kanila ang gumagamit ng ilegal na droga, hinamon ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sabay silang magpa-drug test sa Luneta. Sa isang press briefing sa Davao City, sinabi ni Duterte na sa isang independent entity o doktor dapat magpakuha ng dugo si Marcos. “Set it in Luneta Park, magpakuha siya ng dugo doon [from] independent entity or doctor. Magpakuha rin ako, sige pati ako, pakuha siya ng blood test,” ani Duterte. Dagdag ni Duterte, may isa ring opisyal ng Gabinete…

Read More

HIGIT 600 PDLs LUMAYA SA NBP

NABIGYAN na ng certificate of discharged ang nasa 632 Person’s Deprived of Liberty (PDLs) na natapos na o napagsilbihan ang kanilang sentensya. Sa data na inilabas ng Bureau of Corrections, umabot sa 11,347 noong 2022 ang napalayang mga PDL. Noong November 2022 naman hanggang ngayon, nasa 8,324 na ang na-release ng Bureau of Corrections. Umaasa si BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., na magsisilbing inspirasyon ang paglaya ng mga PDL para sa iba na nananatili pa sa loob ng piitan. Mas marami pa aniya sana ang makalaya kasunod ng…

Read More

PRANGKISA ‘DI NA MABABAWI NG OPERATORS SA KOOPERATIBA

HINDI na mababawi ng mga operator at driver ng Public Utility Vehicle (PUV) ang kanilang prangkisa kapag sumali sa kooperatiba o korporasyon. Ito ang inamin ng mga kinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on transportation sa problema sa nasabing programa. Sa pagtatanong ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sinabi ng kinatawan ng LTFRB na hindi maaaring bawiin ng isang operator o driver ang kanyang prangkisa sa sinalihang kooperatiba o korporasyon kapag nagbago ang isip nito o kaya tinanggal siya sa…

Read More

2K LOTTO OUTLETS ISINAKRIPISYO SA E-LOTTO?

TINANGGALAN ng Philippine Charity Sweepstake Office (PSCO) ng hanapbuhay ang may 2,000 agent nito dahil sa online lotto o e-lotto. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda na hindi dinaluhan ni PCSO General Manager Mel Robles, halos maiyak sa sama ng loob ang ilang lotto agents na tinanggalan ng hanapbuhay. “Biglang isinara ang mga lotto outlet na ito para pagbigyan ang e-lotto,” paniniwala ni Clariza Imperial, isa sa 2,000 lotto agents na ipinasara. Sa pahayag naman ni Remeliza Gabuyo, assistant general…

Read More

NASA LIKOD NG PEKENG ‘PI’ PINAKAKASUHAN

HINIKAYAT ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang Senado na pag-aralan ang mga posibleng legal na aksyon laban sa mga mastermind ng pekeng People’s Initiative para sa Cha-cha. Ginawa ni dela Rosa ang pahayag matapos ang unang pagdinig kaugnay sa mga kontrobersya sa PI. Sinabi ni dela Rosa na bagama’t sinuspinde ng Comelec ang lahat ng proseso kaugnay sa PI, kailangan pa ring matukoy ang mga responsable sa panloloko sa publiko para makapangalap ng lagda para sa tinawag niyang Politicians’ Initiative. Sa sandali anyang matukoy ang mga may pakana ng…

Read More

PAYO NI NOGRALES SA ‘FUTURE NATIN SCHOLARS’: PAGBUTIHIN PAG-AARAL

BINATI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panibagong batch ng Future Natin scholars mula sa Colegio de Montalban na tumanggap ng P15,000 per academic year sa ilalim ng programang Tulong Dunong ng CHED-UniFast. Namahagi si Nograles ng tulong pinansyal mula Commission on Higher Education (CHED) na ang bawat mag-aaral ay tumanggap ng P25,000 bilang educational assistance. Ayon kay Nograles, nagbunga ang kanyang pagsisikap sa Kongreso na mabigyan ng karagdagang pondo ang edukasyon para sa mga kabataan ng Montalban. “Congratulations po sa lahat ng ating bagong scholars at nawa’y…

Read More

MGA SUNDALONG SUMAGUPA SA DI-MG PINARANGALAN

GINAWARAN ni Lt. Gen. William Gonzales, commander ng Western Mindanao Command, ng medalya ng kagitingan ang mga sundalong nakapatay sa siyam na kasapi ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) na kanilang nakasagupa sa loob ng dalawang araw. Isinagawa ni Lt. Gen. Gonzales nasabing paggawad ng parangal sa mga tauhan ng 3rd Scout Ranger Battalion nang bisitahin niya ang 103rd Infantry Brigade na nasa ilalim ng Ist Infantry “Tabak” Division na pinamumunuan ni Maj. Gen. Gabriel Viray. Ang Military Merit Medal interim to Distinguished Conduct Star ay ipinagkaloob kina First Lieutenant Allan…

Read More

EX MAYOR NG TIAONG, QUEZON KINASUHAN NG PERJURY

IPINAGHARAP ng kasong Perjury o Pagsisinungaling si dating Tiaong, Quezon Mayor Ramon Preza sa Lucena City Regional Trial Court Branch 53. Alinsunod sa resolusyon ng Lucena City Prosecutors Office noong January 11, 2024, ang kaso ay nag-ugat sa sinasabing pagsisinungaling ni Preza nang akusahan niya ng kasong pandaraya at panloloko ang negosyanteng si Frankie Ong sa halagang P50 milyon. Lumitaw naman sa pagsisiyasat na ang naturang halaga ay personal na pagkakautang lamang ni Ong sa kanya. Pansamantala namang nakalalaya si Preza matapos maglagak ng P25,000 piyansa batay sa warrant of…

Read More

1 PATAY SA BANGGAAN NG 2 SASAKYANG PANDAGAT

PATAY ang isang crew sa banggaan ng dalawang sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Batangas nitong Miyerkoles, ayon sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Philippine Coast Guard (PCG). Agad namang umaksyon ang Philippine Ports Authority (PPA) sa insidente ng banggaan ng dalawang sasakyang pandagat sa Matoco Point, Batangas City. Sa ipinarating na ulat ng Port Management Office ng Batangas mula sa Vessel Traffic Management System (VTMS), umalis sa Batangas Port ang MV Ocean Jet 6 dakong alas-11:26 ng umaga at inaasahang darating sa Calapan Port ng dakong alas-12:35…

Read More