SNATCHER SA JEEP TIMBOG SA TRIKE DRIVER

HINDI nakatakas ang isang 41-anyos na lalaki makaraang madakma ng tricycle driver matapos agawin ang cellphone ng isang service crew sa loob ng pampasaherong jeep sa Brgy. 416, Sampaloc, Manila noong Miyerkoles ng umaga Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Mark Jarred Varron, residente ng Galas, Quezon City. Base sa ulat ni Police Staff Sargent Jeus Cris Jacalne ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-10:50 ng umaga nang biglang sinapak ng suspek ang biktima sa loob ng jeep at inagaw ang cellphone nito. Tinangka ng biktima…

Read More

PEDICAB DRIVER PINATAHIMIK SA DROGA

HINIHINALA ng pulisya na may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang 28-anyos na pedicab driver na pinagbabaril sa isang eskinita sa Gate 56, Area- H, Parola Compound, Binondo, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Jomar Natalio, binata, residente ng Parola Compound, sakop ng Binondo. Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala. Base sa ulat ni Det. Jason Ibasco ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-2:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Nakaupo umano ang biktima sa eskinita nang…

Read More

3 BAGETS NA AKYAT-BAHAY HULI SACCTV

CAVITE – Tatlong hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang na pawang mga menor de edad ang inaresto matapos pasukin ang isang bahay at tangayin ang halos P100,000 halaga ng cash at isang gadget sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi Hawak na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ng Imus City ang mga suspek na sina alyas “Carl”, “JR”, at “Makmak” dahil sa reklamo ni alyas “Carlito” ng Jade Residences, Brgy. Malagasang 1-C, Imus City, Cavite. Ayon sa reklamo ni Carlito, noong Disyembre 26, umalis sila ng buong pamilya…

Read More

MABABA PA RIN ANG SINGIL SA KURYENTE SA PILIPINAS

MY POINT OF BREW ni JERA SISON NAPAKAGANDA ng timing ng inilabas na pag-aaral ng International Energy Consultants o IEC, na nagsabing patas at makatwiran ang singil sa kuryente sa Pilipinas. Akalain ninyo iyon? Samantalang napakaraming nagkakalat ng fake news na ubod daw nang taas ang presyo ng kuryente dito. Ang ipinagkaiba nila sa mga ekspertong kagaya ng IEC, wala silang datos na maipakita at pawang mga alarmist na pahayag lamang ang ginagawa. Magandang oportunidad ito para sa mga nakaluklok sa pwesto na may maayos at malinaw na layuning makatulong,…

Read More

SALUBUNGIN ANG 2024 NANG LIGTAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG may mga Pinoy na nakakaangat sa buhay tulad ng celebrities, na umaalis sa Pilipinas para sa salubungin sa ibang bansa ang Bagong Taon, marami ring mga dayuhan ang pumupunta sa bansa natin para sa okasyong ito. Natutuwa at hangang-hanga raw kasi sila na parang may giyera sa Pilipinas kapag sinasalubong ng mga Pinoy ang Bagong Taon dahil sa kaliwa’t kanang putukan ng fireworks at iba’t ibang uri ng mga paputok kapag nagpapalit na ang taon. Naging tradisyon na kasi ng Pinoy ang magpaputok para maging…

Read More

BAGONG TAON (2024), BAGONG PAG-ASA

PUNA ni JOEL O. AMONGO POSITIBO ang pananaw ng mga Pilipino pagdating ng taong 2024, na makarerekober sila mula sa kanilang naranasang kahirapan sa taong nagdaan. Mayorya ng mga Pinoy ang umaasa na magiging maganda sa kanila ang susunod na taon, ito ay base sa resulta ng Pulse Asia Survey. Base sa survey, 92% na may edad na mga Pinoy ang umaasa na sa darating na 2024 ay makakaahon o gaganda ang kanilang buhay. Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 3 hanggang 7 at tinanong ang 1,200 respondents. Lumalabas na…

Read More

YEAR OF THE WOOD DRAGON

EDITORIAL ILANG tulog na lang, 2024 na! Handa na ba kayo sa pagsalubong ng Bagong Taon? Year of the Wood Dragon ang 2024. Ang dragon ay simbolo ng puwersa o lakas, sigla, halina at inspirasyon. Ang dragon ay nagpapakita ng kapangyarihan, kasaganahan at suwerte. Magdadala ito ng pagbabago at pag-unlad. Ito ang tamang panahon ng masiglang pagsisimula para sa matatag na tagumpay. Kilala rin ang dragon sa kanilang talino at katapatan. Isa sa mga nakaugalian partikular ng mga Pinoy sa pagsalubong ng Bagong Taon ay ang paggawa ng New Year’s…

Read More

PAGBABAWAL SA PAPUTOK SUPORTADO NG DOH

SUPORTADO ng Department of Health (DoH) ang panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbawal ang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon kalakip ang kanilang kondisyon. Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, sinusuportahan nila ang kahilingan ngunit binibigyan din nila ng pang-unawa ang apela sa industriya ng paputok. Hinimok din ng mga opisyal ang publiko na ipaubaya sa mga propesyunal ang paglalagay ng fireworks display para hindi magtamo ng injuries. Una rito, ilang lokal na pamahalaan na rin sa bansa ang nagpasa ng mga regulasyon…

Read More

3 human trafficking victims tinangkang palusutin AIRPORT EMPLOYEE SUMA-SIDELINE NA ESCORT, BUKING

NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ang tatlong pasahero na tinangkang lumabas ng bansa patungong Dubai, UAE, pasakay ng biyaheng Thailand, na iniskortan pa umano ng empleyado ng paliparan. Ang mga pasahero ay nagkunwaring magkaibigan mula General Santos City subalit nabistong pawang mga biktima ng human trafficking. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, lumabas sa secondary inspection na hindi magkakilala ang mga biktima at umamin na ni-recruit sila upang magtrabaho bilang household service workers sa Dubai, sa pamamagitan ng…

Read More