MAISUG RALLY SA BULACAN HINARANG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SINUSPINDE ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda sanang Maisug Peace rally kahapon sa Bustos, Bulacan upang maiwasan ang gulo. Ito ay dahil umano sa matinding panunupil at panghaharang sa rally. Noong Biyernes, idinaing ng organizers ng rally na nahirapan silang makakuha ng permit sa kabila na ang napiling venue ay isang pribadong lugar at naaayon sa Batas Pambansa BP880. “Hindi po sila nagbigay ng permit. Ngayon kung ayaw nyo ho kami bigyan ng permit kami po ang gumagawa ng aming way para ipakita sa inyo…

Read More

MANPOWER AGENCY AT DOLE-DO 174 PINABUBUWAG

HIHILINGIN ng Kilos Manggagawa (KM) sa pamahalaan na tuluyang buwagin ang manpower agency na patuloy na gumagapos sa buhay ng mga manggagawang kontraktwal sa fixed-term employment at pagkapako sa minimum wage ng kanilang arawang kita. Ito ang nagkakaisang apela at misyong ipaglalaban ng bagong tatag na alyansa na Kilos Manggagawa, na binubuo ng mga miyembro mula sa National Confederation of Labor (NCL) at Alliance of Genuine Labor Organization (AGLO). Nakasaad sa kautusan ng Department of Labor and Employment, ipinagbabawal ng Department Order 174 ang labor-only contracting, na tumutukoy sa mga…

Read More

LOBBYING NG GENCOS SA EPIRA LAW POSIBLE – SOLON

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa Kamara ang posibilidad na matindi ang lobbying ng power industry players lalo na ang Generation Companies (GenCos) kaya walang nangyayari sa mga panukalang ibasura ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Pinahiwatig ito ni Gabriela party-list Rep. Arlee Brosas sa isang radio interview. Sinabi ng mambabatas na marami na silang panukalang batas para amyendahan ang EPIRA Law na unang ipinatupad noong 2001. Kabilang sa mga nais ng grupo ni Brosas ay ibalik sa kontrol ng gobyerno ang power industry dahil kabilang ito sa serbisyo…

Read More

SOURCE NG DEEPFAKE AUDIO NI PBBM TUKOY NA NG PNP

INIHAYAG ng Palasyo na natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng source sa deepfake audio ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa ulat mula sa Malakanyang, natunton na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang posibleng source ng deepfake technology na ginamit ang boses ni Pangulong Marcos. Paliwanag sa media ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng pambansang pulisya, tinututukan ng PNP-ACG ang lawak ng pagkakasangkot ng nasabing source. Pinangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isinasagawang cyber forensic hinggil sa deepfake audio…

Read More

PAGPATAY SA ESTUDYANTE SA CEBU KINONDENA

KINONDENA ng dalawang senador ang insidente ng pagpatay sa 14-anyos na estudyante na pinagbabaril habang nag-aaral sa loob ng kanilang bahay sa Talisay City, Cebu. Sinabi ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian, walang puwang sa mundo ang ganitong uri ng karahasan. “I condemn it in the strongest terms and urge our law enforcers to ensure those responsible are swiftly brought to justice,” pahayag ni Gatchalian. Kasabay nito, nagpahayag ng pakikisimpatiya ang senador sa pamilya ng biktima at nakikiisa sa Department of Education sa panawagan para sa hustisya…

Read More

QUARRY SA SARIAYA PINATITIGIL NI GOV. TAN

PINATITIGIL ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang lahat ng quarry operations sa bayan ng Sariaya, Quezon. Ayon kay Governor Tan, nakarating sa kanya ang panawagan ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na hinihikayat ang mga residente ng bayan na tutulan ang operasyon ng quarry o pagmimina rito. Kasabay nito, hinikayat din ni Gov. Tan si Mayor Gayeta na pag-aralan ang mga binigay na business permit sa mga Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) Quarry Permittee para bigyang daan ang komprehensibong pag-aaral para sa wastong pangangalaga ng kalikasan at paglinang ng likas…

Read More

KOTSE SUMALPOK SA CENTER ISLAND, MAG-UTOL DEDBOL

AGUSAN DEL NORTE – Patay ang magkapatid na lalaki nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa center island sa Butuan City sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa report ng Butuan City Police, tinatahak ng kotseng sinasakyan ng magkapatid na sina Renante Elisan, 47, at Frederick , 44, ang kahabaan ng C. Aquino Avenue mula sa city proper papuntang Ram City Homes sa Barangay Libertad, nang matumbok ng mga ito ang kabilang dulo ng center island sa harap ng isang mall. Sa lakas ng impact, nawasak at…

Read More

6 SAPUL SA KIDLAT SA DAVAO CITY

DAVAO CITY – Sugatan ang anim katao matapos tamaan ng kidlat noong Sabado ng hapon sa Brgy. Salaysay, Marilog District sa lungsod. Ayon sa report ng Marilog Police Station, dumalo sa kasal ang mga biktima at pauwi na nang biglang umulan dakong alas-3:00 ng hapon kaya sumilong muna ang mga ito. Subalit biglang humagupit ang isang matalim na kidlat na tumama sa puno ng niyog, hindi kalayuan sa mga ito. Naabot ng malakas na boltahe ang mga biktima matapos na tumalbog at gumapang ang kuryente dulot ng kidlat. Agad sinaklolohan…

Read More

MGA LGU HINIMOK TUMULONG SA PAGPAPALAKAS NG FOOD TOURISM SA BANSA

HINIMOK ni Senador Nancy Binay ang mga lokal na pamahalaan na tumulong sa pagpapalakas ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng pag-aangat ng kalidad ng street food experience para sa mga locals at mga turista. “Actually, untapped tourism potential ang street food culture. Dapat sinusuportahan natin yung mga maliliit na mga manininda kasi mahalagang bahagi din sila ng lokal na ekonomiya. The LGUs can help identify vending and no-vending zones para maayos din ang daloy ng tao at trapiko–lalo na ngayong buhay-na-buhay ang street food adventure,” saad ni Binay. Binigyang-diin…

Read More