“MAGBENTA muli ng NFA rice sa mga palengke para maging affordable ang bigas sa lahat.” Itutulak ito ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ngayong linggo sa Kamara. Ayon kay Cong. Tulfo, “ito lang ang tanging paraan para bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan”. “Noong may NFA rice pa sa palengke, mas mura sila ng P5 to P10 per kilo kumpara sa regular commercial rice,” ani Tulfo na isa ring House Deputy Majority Leader. Ngunit para aniya mangyari ito, kailangan nang ibasura ang RA 11203 o Rice Tariffication Law. Ayon…
Read MoreAuthor: admin 5
KAMARA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI REP. BARZAGA JR.
NAGLULUKSA ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. “We are deeply saddened by Cong. Pidi’s passing. The House of Representatives has just lost a great legal thinker and a smart number-cruncher,” ani House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ayon sa pahayag ng pamilyang Barzaga, pumanaw ang 74-anyos na mambabatas sa California, USA noong Sabado (oras sa Pilipinas). Nabatid na naka-medical leave ang mambabatas dahil nagpapagamot ito sa Amerika subalit hindi nilinaw kung ano ang sakit nito. Naulila ni Barzaga, chairman ng House Committee…
Read MoreTB TEST IPASASAMA NINA SPEAKER ROMUALDEZ, REP. YEDDA SA LIBRENG KONSULTA NG PHILHEALTH
HIHILINGIN nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda K. Romualdez sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama sa libreng diagnostic package nito ang pre-requisite tests para sa mga pinaghihinalaang nahawa ng tuberculosis. Ginawa ng dalawa ang pahayag sa isang health caravan na inorganisa ni Rep. Yedda at House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kung saan nasa 1,000 magsasaka at mangingisda sa Iloilo City ang binigyan ng mga gamot, check-up at laboratory test gaya ng basic x-ray, bloodwork at iba pa.…
Read MoreMARITIME SECURITY PAHUHUSAYIN NG UGNAYAN NG PHL AT US
INIHAYAG ng opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa courtesy visit ni Ambassador to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Yohannes Abraham, sa punong-tanggapan ng PCG sa Maynila noong Biyernes, Abril 26, na ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at United States (US) ay lalong magpapahusay sa kanilang pagtutulungan sa maritime security. Ipinahayag ni Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr., PCG deputy commandant for operations, ang koneksyon ng Pilipinas sa US Coast Guard at United States ay lumago nang higit pa sa pagbibigay ng technical at operational training para…
Read MoreMAALIW SA GITNA NG NAKAYAYAMOT NA INIT
CLICKBAIT ni JO BARLIZO GRABE na ang init. Kung may masisilungan na magbibigay ng kahit panandaliang ginhawa ay humayo na. Iwasan ang heat cramps, heat exhaustion at ang malala – ang heat stroke. Kaso nga lang, lalong iinit ang katawan, kasama na ang utak, dahil sa manaka-nakang brownout dulot ng numipis na reserbang kuryente. Ito ang medyo pampakalma ng init. Pati pala size ng itlog apektado ng mainit na panahon. Pero hindi lang itlog ha, maging kamatis ay nabansot daw sa ilang lugar na pineperwisyo ng El Niño. Dahil sa…
Read MoreMEDICAL DEVICE DISTRIBUTION NG PCSO
TARGET ni KA REX CAYANONG NAMAHAGI ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng iba’t ibang medical device sa mga residente ng Pampanga, Rizal, at Laguna, na nagpapakita ng kanilang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng kalusugan ng mga Pilipino. Sa personal na pag-abot ni PCSO General Manager Melquiades Robles ng 50 wheelchair, 50 nebulizer, 50 glucometer, at 50 BP apparatus kay Pinuno Party-list Representative Ivan Howard Guintu kamakailan sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City, ay ipinakita nila ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan. Nagpahayag ng pasasalamat si…
Read More50% NG PAMILYANG PINOY NAGHIHIRAP
UMABOT sa 50 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na nagdarahop o salat sa kabuhayan, ito ang lumabas sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Station. Lumabas ang nasabing pag-aaral ng SWS kasunod ng panawagan ng iba’t ibang labor groups na ipasa na ang legislative wage hike na P150.00 dahil hindi na kinakaya ng mga pamilyang Pinoy ang taas ng presyo ng mga bilihin. Nabatid na base sa March 21-25 survey na inilunsad ng SWS, lumitaw sa pag-aaral na 46 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing…
Read MorePH-US PINALAKAS UGNAYAN LABAN SA FOREIGN INFO MANIPULATION
NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang ugnayan laban sa false foreign narratives, saklaw ang lahat ng uri ng disinformation. Nabuo ang commitment sa idinaos na 11th US-Philippine Bilateral Strategic Dialogue (BSD) sa hanay ng mga senior Filipino at American government officials mula Abril 22 hanggang 23 sa Washington D.C. Sa ilalim ng category ng “expanding the breadth of Philippines-US partnership” ang dalawang panig ay “committed in 2024” na palalimin pa ang kolaborasyon ukol sa “countering foreign information manipulation”. Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to the…
Read More1.7K WANG-WANG, SIRENA NAKUMPISKA
UMABOT sa 1,707 sirena, blinker at iba pang ipinagbabawal na accessories ng sasakyan ang nakumpiska sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG). Nabatid kay HPG chief Gen. Alan Nazarro na ang mga bagay na ito ay nasamsam mula Marso 25 hanggang Abril 22, alinsunod sa Presidential Decree (PD) 96, na nagbabawal sa paggamit ng mga blinker, sirena, at iba pang kaugnay na kagamitan para sa mga pribadong sasakyan. Ayon pa sa opisyal, kabilang sa mga nakumpiska ang 957 light-emitting diode (LED) lamp, 300…
Read More