SMUGGLING SA BANSA IMPOSIBLENG MAWALA

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO MARAMING naniniwala na hindi mawawala ang smuggling ng iba’t ibang kalakal sa bansa. Bakit kamo? Ayon sa ilan nating nakausap, sinasabi nila na paanong mawawala ang smuggling eh, wala naman daw nahuhuli na smuggler sa ginagawang mga pagsalakay ng mga awtoridad sa mga bodega ng bigas sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon pa sa kanila, mistulang papogi lang ng administrasyon ang kanilang operasyon kuno, laban sa mga nagtatago ng bigas. Kaya hayun hindi na bumaba ang presyo nito at tila naglaho na ang…

Read More

1 PATAY SA SUNOG SA MOTOR TANKER

ISA ang patay makaraang masunog ang isang motor tanker Sea Horse sa Alpha Anchorage Area, Batangas noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa PCG-Batangas, agad silang nakipag-coordinate sa Bureau of Fire Protection at sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office para humingi ng tulong hinggil sa insidente. Mabilis namang naglunsad ng search and rescue operation para sa kinakailangang tulong. Samantala, tatlong tugboat, kabilang ang Motor Tug Great Lark, Motor Tug Sedar 7, at Motor Tug Sedar 8, na malapit sa pinangyarihan ng insidente,…

Read More

US AT PHL SECURITY ADVISERS NAG-USAP SA SEGURIDAD SA WPS

west phl sea12

NAG-USAP sina United States National Security Advisor Jake Sullivan at National Security Advisor Eduardo M. Año ng Pilipinas, matapos ang umano’y sinadyang banggaan sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia vessels nitong nakalipas na linggo. Kasunod ito ng ginawang pagpapasalamat ng Department of National Defense sa iba’t ibang mga bansang nagpahayag ng pagsuporta sa Pilipinas matapos ang pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China sa tropa ng militar ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, bunsod ito ng…

Read More

ESTUDYANTE NAG-GOOD TIME, KINUYOG SA LABAS NG BAR

HUSTISYA ang hiling ng mga magulang ng 20-anyos na lalaking estudyante na namatay makaraang pagtulungang bugbugin ng ilang kalalakihan sa labas ng isang beerhouse sa North Bay Boulevard, Barangay 148, Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Randell Bonifacio, residente ng Tondo, Manila. Patuloy namang nangangalap ng testigo ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, para sa ikadarakip ng mga suspek. Base sa ulat ni Chief Master Sergeant Gil Bunagan, bandang alas-5:30…

Read More

BAHAY PINAULANAN NG BALA, 1 PATAY, 1 SUGATAN

PATAY ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang isang barangay peace keeping volunteer makaraang paulanan ng bala ang kanilang bahay sa kasagsagan ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan 2023 polls, sa Maguindanao del Norte. Base sa inisyal na ulat, pinagbabaril ng tatlong hindi pa kilalang kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril, ang bahay ng mga biktima sa bayan ng Sultan Mastura. Lubhang malakas umano ang loob ng mga suspek dahil isinagawa nila ang krimen sa katanghaliang tapat gamit ang iba’t ibang kalibre ng baril…

Read More

5-ANYOS PATAY SA CAMPAIGN SORTIE

DAVAO CITY – Isang 5-anyos na batang babae ang namatay sa isinagawang campaign sortie sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023, nang masalpok ito ng kotse na kabilang sa motorcade ng isang kandidato sa Barangay Bunawan Proper sa lungsod na ito. Habang dumaraan umano ang motorcade ng isang partido para sa BSKE 2023 malapit sa bahay ng biktima, nang lumabas ito para bumili sa kalapit na tindahan sa Purok 17, Promise Land. Sinasabing base sa pagsisiyasat ng Bunawan Police Station, kabilang ang kotse na nakabundol sa paslit, sa motorcade ng…

Read More

TULAK KALABOSO SA P172K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs) ng pulisya, matapos maaresto sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P172,000 halaga ng umano’y shabu sa Dasmariñas City, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dodong” ng Brgy. Tabing Dagat, Bacoor City. Ayon sa ulat, dakong alas-12:17 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor City Component Police Station, sa Brgy. Tabing Dagat, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa…

Read More

765 GURO SA PANDI BINAKUNAHAN KONTRA FLU

UMABOT sa 765 public at private school teachers ang pinagkalooban ng free Influenza vaccine ng Lokal na Pamahalaan ng Pandi sa Bulacan, sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque, na ginanap sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School noong Lunes, Oktubre 23, 2023. Ang nasabing libreng bakuna, ayon kay Roque, ay pinangasiwaan ng mga staff ng Pandi Municipal Health Office at mga nurse mula sa Department of Health (DOH)-Bulacan. Nabatid na ang mga guro ay mula sa 76 paaralan na kinabibilangan ng 28 public schools, 44 Day Care schools at 4…

Read More

Korupsyon legal sa Kamara ROMUALDEZ TAMEME SA MGA BIRA NI DIGONG

MAGKASUNOD na linggo na ang hamon at mga patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives ngunit kapansin-pansin ang kawalan ng tugon dito ni Speaker Martin Romualdez. Matatandaang sa unang banat ni Digong, hinamon niya si Romualdez na ilahad sa publiko kung paano at saan ginasta ang pondo ng Kongreso. Matapos irealign ng mababang kapulungan ang confidential fund ni Vice President Sara Duterte na nagkakahalaga ng P650 million kasama na ang kahalintulad na pondo sa Department of Education (DepEd) na P150 million, ay tahasang inakusahan ng dating Pangulo…

Read More