Mababang Kamalayan sa mga Panganib sa Pangkalusugan Kaugnay ng Menopause sa Pinas – Survey

ANG menopause o permanenteng pagtatapos ng regla, isang natural at hindi maiiwasang yugto sa buhay ng isang babae, ay kalimitang binabalewala bilang isang mahalagang alalahanin sa kalusugan. Bagama’t totoo na ang menopause ay isang normal na bahagi ng proseso ng pagtanda, mahalagang kilalanin at tugunan ang mga potensyal na implikasyon sa kalusugan na maaaring lumabas sa panahon ng pagbabagong ito. Upang masuri kung ito ay may katotohanan, nagsagawa ang Capstone-Intel Corporation ng isang survey sa buong bansa sa persepsyon at kaalaman ng mga Pilipino sa menopause. Ang isinagawang survey ay…

Read More

TIGIL PASADA TULOY NGAYONG LUNES

ITUTULOY ng grupong Manibela ang nationwide transport strike o tigil pasada ngayong araw para iprotesta ang umano’y katiwalian sa pag-apruba ng prangkisa para sa public utility vehicles (PUVs). Kahapon nagpahayag ng kumpiyansa ang grupo na kaya nilang paralisahin ang walumpung porsyento ng transportasyon sa Metro Manila. Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, mula sa 700 na ruta nila sa Metro Manila, 600 umano rito ang walang papasadang pampublikong sasakyan. Aniya, gabi pa lang ng Linggo ay mararamdaman na ang kawalan ng mga pampasaherong jeepney. Base sa plano, sisimulan ng grupo…

Read More

Ikakasa ng mga magsasaka ISANG LINGGONG PROTESTA VS BBM

NAGKASA ng isang linggong protesta ang mga magsasaka laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa lalong paglala anila ng kagutuman, land grabbing at inhustiya. Kahapon ay sinimulan sa Morayta ang kilos protesta habang ginugunita ang International Rural Women’s Day at ipagpapatuloy ang pagkilos sa Martes, October 17 hanggang sa Biyernes (October 20). “Truth be told, Marcos Jr. is the chief protector of big landlords and land grabbers,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano. Sinabi ng dating solon na…

Read More

Taumbayan nagtatanong PONDO SA MALAYA RICE NI ROMUALDEZ SAAN GALING?

PINAG-USAPAN ng mga netizen ang inilunsad kamakailan na programa ni House Speaker Martin Romualdez – ang MR o Malaya rice. Ang nangungunang tanong ng netizens, saan galing ang pondong pambili ng Malaya Rice? Maging ang lobbyist and political strategist na si Malou Tiquia ay tila curious din sa nasabing usapin kaya nagpost ito sa X ng: Nakakatuwa at nakuha ito ng mga nag share ng maaga. Marahil galing rin ito sa mga taga luob. Ang magandang malaman, saan nanggaling ang pondo ng “MR rice”? Di planado yan so walang line…

Read More

PUV MODERNIZATION TULOY SA KABILA NG KORUPSYON

PINALAGAN ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang panawagan ni Senador Grace Poe na suspendihin muna ang pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization program sa gitna ng sinasabing korupsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang katwiran ni Balisacan, hindi dapat maapektuhan ang modernization program ng kamakailan lamang na alegasyon ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga awtoridad ng ahensya. “The program “should proceed” if the issues raised do not directly concern the program. If there are problems, they should deal with those issues…

Read More

BANK TELLER PATAY SA SALPOK NG CLOSED VAN TRUCK

QUEZON – Patay ang isang teller ng bangko nang masagasaan ng isang closed van truck sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Francis Segarra Sunga, 26, residente ng Barangay Binambang. Ayon sa report ng pulisya, ang biktima ay nasagasaan ng Isuzu closed van nang ito ay biglang tumawid sa highway dakong alas-6:00 ng gabi. Hindi na ito naiwasan ng truck na noon ay patungo sa direksyon ng Maynila. Isinugod ang biktima sa Saint Jude Hospital sa nasabing bayan…

Read More

SASAKYAN BUMANGGA SA POSTE, 1 PATAY

TAGAYTAY CITY – Patay ang isang babae habang sugatan ang asawa nito nang bumangga ang minamanehong Toyota Grandia ng huli sa isang konkretong poste sa gilid ng kalsada sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital ng Tagaytay ang mag-asawang sina Patrick Ambat y Tactay, 33, at Juvy Ambat y Mortel, 38, subalit hindi umabot nang buhay ang ginang. Ayon sa ulat, minamaneho ni Patrick ang isang Toyota Hiace GL Grandia na may plakang DEZ 4132, kasama ang kanyang asawa at binabagtas ang east direction patungo…

Read More

EMPLEYADO NALUNOD SA COMPANY OUTING

CAVITE – Nabahiran ng lungkot ang masayang outing ng mga manggagawa ng isang kumpanya, nang umano’y malunod ang isang 31-anyos na empleyado sa pool sa isang resort sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Isinugod sa ospital ang biktimang si Jayboy Lagari y Halog, 31, subalit hindi umabot nang buhay. Ayon sa ulat, nagkayayaang mag-outing ang mga manggagawa ng isang kumpanya sa Hardin ng Postema sa Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite kung saan nag-inuman ang mga ito. Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay lumusong sa pool…

Read More

VAN NAHULOG SA ELEVATED PARKING LOT, 6 SUGATAN

BATANGAS – Anim na magkakapamilya ang nasugatan nang ang sinasakyang van ng mga ito ay mahulog mula sa elevated parking lot sa rooftop ng San Juan public market sa Barangay Poblacion, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Sabado ng tanghali. Ayon sa report ng San Juan Police, paalis na ang mag-anak sa parking lot nang ang minamanehong Starex van ng 54-anyos na padre de pamilya na si Juan Perez, ay magkaroon ng ‘malfunction’ at nawalan ito ng kontrol. Sumalpok muna ito sa mga metal barrier bago nalaglag…

Read More