MAHIGIT P1 MILYON HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BABAENG TULAK

MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang babaeng hinihinalang drug pusher at kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVI) sa Dasmariñas City, Cavite, Huwebes ng gabi.

Nahaharap ang suspek na kinilalang si alyas Ellen sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon bandang alas-7:40 ng gabi sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 4A, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Cavite Police Provincial Office at Dasmariñas Component City Police Station.

Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,020,000, buy-bust money, isang itim na sling bag at isang Redmi cellphone.

(SIGFRED ADSUARA)

87

Related posts

Leave a Comment