10 KILO NG SHABU NASABAT SA 5 TULAK

TINATAYANG 10,000 gramo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang anti-narcotics operation kamakalawa ng hapon sa Parañaque City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, bukod sa ilegal na droga ay may limang drug personalities din ang nadakip ng kanyang mga tauhan sa inilatag na buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA RO-NCR Northern District Office. Nagsilbing support Unit naman ang PDEA RO-NCR Southern District Office, NICA, PDEG Special Operation Unit-NCR, NCRPO Regional Drug Enforcement…

Read More

DQ CASE INIHAIN SA COMELEC VS BRGY. CAPTAIN AT MGA KAGAWAD NG BRGY. KALIGAYAHAN

COMELEC-DARAGA ALBAY

SINAMPAHAN ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sina Alfredo ‘Freddy’ Roxas na tumatakbo bilang Brgy. Captain, Kris Roxas-Aliento, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, Butch Rosales, Perla Adea, Alex Rivera at Sofronio Grimaldo na pawang kandidato naman bilang kagawad sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Ayon sa reklamo nina Rey Miranda, Marvin Miranda at Ronald Go, ang reklamo ay dahil sa maagang pangangampanya umano ng mga nabanggit. Nabatid sa kanilang mga sinumpaang salaysay, nagkaroon umano ng pagtitipon ang SAPIKA Homeowners Association noong September 9, 2023. Nakita raw sa…

Read More

POLITICAL PARTY LEADERS PUMALAG KAY DU30

NAGLABAS ng joint statement ang mga political party leader at umapela kay dating Pang. Rodrigo Duterte na iwasan na ang mga pagbabanta o pagpapahiwatig ng anomang pinsala laban sa Kamara de Representantes at sinomang miyembro nito. Kaugnay nito, nagpahayag din ng labis na kalungkutan at pagkadismaya ang mga political leader dahil sa ginagawang pagbanat ng dating pangulo sa institusyong dati nitong kinabibilangan. Sa isang joint statement, sinabi ng mga political leaders na, “We, leaders of all political parties in the House of Representatives, take utmost exception to the remarks made…

Read More

PAG-UWI NG OFWs NA NAIIPIT SA ISRAEL-HAMAS CONFLICT PINABIBILISAN NG KONGRESO

UPANG matiyak ang kanilang kaligtasan, mahigpit ang panawagan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na kaagad umaksyon at i-repatriate ang overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas. Kasabay nito, tiniyak ni Speaker Romualdez na pagkakalooban rin ng P500,000 personal na tulong sa pamilya ng ikatlong Pilipino na kumpirmadong nasawi sa kaguluhan. Matatandaang una na ring sinabi ni Speaker Romualdez, na siya, katuwang si Tingog…

Read More

ALUMINUM VAN DRIVER SINAGI NG TRUCK, PATAY

PATAY ang driver ng aluminum van nang sagiin ng truck at maipit ng dalawang sasakyan, makaraang bumaba ang biktima para sitahin ang suspek sa mabilis nitong pagpapatakbo sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa Tondo General Hospital ang biktimang si Benjamin Bagtas, 47, ng Tondo, Manila ngunit hindi na naisalba ang buhay. Natimbog naman ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Manila Police District – Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng Station 1, ang driver ng Izusu truck na si Marlon Ilas, 34, ng Isabela…

Read More

DALAGA SUGATAN SA AKYAT-BAHAY

CAVITE – Sugatan ang isang 21-anyos na dalaga nang pagsasaksakin ng isang hinihinalang akyat-bahay na tinangkang magnakaw sa bahay ng biktima sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Patricia Ann Ronquillo Aragon, ng Barangay Punta 1, Tanza, Cavite dahil sa mga saksak sa katawan mula sa suspek na si alyas “Desmar,” 33, binata, jobless, ng Barangay Punta 1, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Francis Mark Cortez ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-4:00…

Read More

P1,120 CASH BUKING SA PANTY NG CASHIER

CAVITE – Hindi nakapalag ang isang dalagang cashier ng isang supermarket nang mabisto sa loob ng panty nito ang P1,120 cash, sa Kawit, Cavite noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong attempted qualified theft ang suspek na si alyas “Samantha,” cashier sa isang supermarket, at residente sa Brgy. Sta. Rosa, Noveleta, Cavite, dahil sa reklamo ng kanilang team leader na si Katrina Maine De Leon, 29-anyos. Ayon sa ulat, naka-duty ang suspek bilang cashier sa nasabing supermarket sa Brgy. Pulvorista, Kawit, Cavite nang kinuha umano nito ang ilang bills…

Read More

6 MANGINGISDA NASAGIP SA ROMBLON, 3 PA SA CAGAYAN

MAKARAAN ang mahigit dalawang araw na palutang-lutang sa karagatan, nasagip ang anim na mangingisda na nasiraan ng bangka sa pagitan ng Quezon Province at Burias Island sa Masbate noong Miyerkoles. Ayon sa Philippine Coast Guard Sub-Station sa Romblon, dakong alas-3:00 ng hapon nang masaklolohan ng mga kapwa mangingisda mula sa Brgy. Bagacay, Romblon, ang mga mangingisda at natulungan na mahila papunta sa dalampasigan ang kanilang nasirang sasakyang dagat. Ayon sa mga mangingisda, ala-1:00 noong Linggo ng hapon nang sila ay pumalaot mula sa Brgy. Casay, San Francisco, Quezon sakay ng…

Read More

P25-M SHABU NASABAT SA MALAYSIAN NAT’L

HAWAK ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang Malaysian national na nagtangkang magpasok sa bansa ng kulang sa apat na kilong shabu makaraang masabat sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Ayon sa ulat na ipinarating kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, dumating ang 27-anyos na Malaysian national na kinilalang si Mohammad Ahtsham bin Mohammad Afzal, sakay ng Ethiopian Airline Flight ET644 na lumapag sa NAIA terminal 3, mula Addis Ababa, Ethiopia, at nagmula sa Antananarivo, Madagascar. Subalit agad itong hinarang ng mga tauhan ng Customs Port of…

Read More