NASAWI ang dalawang enlisted personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tambangan sa Roman Vilo Street, Cotabato City, noong Oktubre 22, 2026.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, sakay ng isang sasakyan ang tatlong tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Maguindanao nang tambangan bandang alas-12:40 ng tanghali.
Dead on arrival sa Cotabato Regional Medical Center ang isang Seaman Second Class (SN2), habang binawian naman ng buhay bandang alas-2:04 ng hapon ang isa pang Apprentice Seaman (ASN) matapos malapatan ng lunas.
Ligtas naman ang ikatlong sakay na si CGS Maguindanao Commander na may ranggong Commander. Agad itong nagtungo sa Police Station 1 sa Cotabato City upang tumulong sa imbestigasyon.
Ayon sa PCG, nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga nasawing tauhan upang maibigay ang kinakailangang suporta.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
(JOCELYN DOMENDEN)
74 