NAGDAOS ang Korte Suprema ng “Lunch with the Chief” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan at nalalapit na pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6, 2026.
Kabilang sa mga panauhin ang mga reporter at cameraman mula sa iba’t ibang media outlet na nagkober sa mga aktibidad ni Gesmundo sa loob ng ilang taon niyang panunungkulan sa hudikatura.
Naghanda ng pananghalian ang mga kawani ng Public Information Office (PIO), sa pangunguna ni Chief at Spokesperson Atty. Camille Ting, para sa mga mamamahayag na dumalo sa pagtitipon sa Diamond Hotel sa Ermita, Maynila.
Isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga reporter at nagpasalamat sa ambag ng hudikatura sa pagpapalaganap ng makatotohanan at lehitimong impormasyon tungkol sa mga gawain ng Korte Suprema.
Bukod kay Gesmundo, dumalo rin sa salu-salo ang mga associate justice ng Korte Suprema na sina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Amy Lazaro, Midas Marquez, Joseph Lopez at Raul Villanueva.
(JULIET PACOT)
74 