ISINULONG ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, isa sa mga kandidato sa pagka-Chief Justice, ang masusing pag-aaral kung dapat manatiling pangunahing batayan ang Bar Examinations sa pagtukoy kung kuwalipikadong maging abogado sa bansa.
Bahagi ang panayam sa proseso ng Judicial and Bar Council (JBC) sa pagpili ng susunod na punong mahistrado na papalit kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Ayon kay Leonen, labis ang cultural pressure na kaakibat ng Bar Examinations.
Bilang dating propesor ng University of the Philippines College of Law, iginiit din niya na dapat iayon ang kurikulum at sistema ng pagtuturo sa mga law school sa proseso ng pagpasok sa propesyon.
Bilang halimbawa, binanggit niya ang mga arkitektong kailangang magkaroon muna ng karanasan kasama ang isang lisensiyadong arkitekto bago kumuha ng board examination.
Dagdag pa ni Leonen, dapat ding repasuhin ang paraan ng pagtuturo sa mga law school, kabilang ang paggamit ng Socratic method o pamamaraang nakabatay sa pagtatanong at pagsagot.
(JULIET PACOT)
141 