AABOT sa P8.5 milyon ang halaga ng mga ilegal na sigarilyong nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang anti-smuggling operation sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), nakumpiska sa operasyon ang 8,875 ream at 418 pakete ng sigarilyo na may iba’t ibang tatak.
Naaresto ang isang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.
Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap at makapagberipika ang mga awtoridad ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na pagpuslit ng sigarilyo sa lugar.
Ayon kay BOC Port of Iloilo District Collector Noli P. Santua Jr., patuloy nilang paiigtingin ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masawata ang smuggling at maprotektahan ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi naman ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na makatutulong ang operasyon sa pangangalaga sa kita ng pamahalaan at pagtataguyod ng patas na kalakalan.
s(JOCELYN DOMENDEN)
78 