OPISYAL nang inilunsad ng SM City Marilao ang Christmas centerpiece nito noong Oktubre 23, 2026, tampok ang makukulay na dekorasyon at masasayang pagtatanghal bilang pagsalubong sa kapaskuhan.
Tampok sa atraksyon ang “Super Sparkly March of the Merry,” isang palabas na nagtatampok ng makikinang na ilaw, matingkad na mga kulay at masayang himig na naglalayong maghatid ng diwa ng Pasko sa mga mallgoer sa lahat ng edad.
Sentro ng dekorasyon ang isang 38-talampakang Christmas tree na napalilibutan ng makukulay na palamuti at may higanteng dichroic ribbon na nagbabago ang kulay depende sa anggulo at tama ng liwanag.
Dagdag sa atraksyon ang mga nutcracker soldier na may taas na 12 talampakan, na nagbibigay ng mas makulay na tanawin para sa mga mamimili at pamilyang bibisita sa mall ngayong kapaskuhan.
Kasabay ng paglulunsad ng Christmas centerpiece, inilunsad din ng SM City Marilao ang SM Besties of Joy 2026, isang inisyatibo katuwang ang Toy Kingdom na tatagal hanggang Disyembre 25, 2026.
Sa bawat pares na mabibili sa halagang ₱380, isang pares ang ipamamahagi sa isang kawanggawa sa komunidad upang maghatid ng saya at ginhawa sa mga nangangailangan.
Ngayong taon, kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral ng Northville 5 Elementary School sa Barangay Batia, Bocaue, Bulacan.
Samantala, dalawa pang Christmas centerpiece ang nakatakdang ilunsad sa iba pang sangay ng SM sa Bulacan bago matapos ang Oktubre.
Kabilang dito ang “Furry Friends Holiday” sa SM Center Pulilan at “Sparkle Every Holiday Moment” sa SM City Baliwag, na kapwa inaasahang magdadagdag sa mga atraksyong maaaring puntahan ng mga pamilya ngayong kapaskuhan.
74 