IBA’T IBANG AHENSYA NAGKAISA SA KAMPANYA KONTRA DROGA

LUMAGDA ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Council (NICC) at Bureau of Corrections (BuCor) ng memorandum of agreement (MOA) para lumikha ng synchronized Anti-Illegal Drug Campaign partikular sa mga piitan sa bansa. Kasama rito ang pagpapanatili ng kooperasyon at pakikipagtulungan para masawata ang ilegal na droga sa loob at labas ng penal farm sa buong bansa. Lumagda sa MOA sina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., Assistant Director General for Counter Intelligence Rolando E. Asuncion na…

Read More

2 PINOY NAPATAY SA GIYERA SA ISRAEL

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pinoy ang namatay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Palestinian Militant na Hamas at Israel. Kasabay ng anunsyo sa social media, kinondena ni DFA Secretary Enrique Manalo ang pagkakapatay sa dalawang Pilipino at lahat ng mga gawaing terorismo at karahasan na bunga ng aksyon ng Hamas sa Israel. Ikinalungkot naman ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Nagpahayag din ang Pangulo na patuloy niyang susuportahan ang mga apektadong Pilipino sa nasabing bansa. “My heart is heavy upon hearing confirmation of the…

Read More

33% LANG NG PINOY GUMINHAWA NGAYONG TAON

TINATAYANG may 33% adult Filipino ang nagsabi na mas maayos ang kalidad ng kanilang buhay kumpara sa 12 buwan na nakalipas habang 22% naman ang nakaranas ng malalang kondisyon. May 45% ang napaulat na ‘walang pagbabago” mula sa nakalipas na taon. Ito ang inihayag ng Social Weather Stations (SWS) base sa resulta ng kanilang nationwide survey na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 at ipinalabas nitong Martes, Oktubre 10. Gumamit ang SWS ng terminong “gainers” para sa mga naniniwalang ang kalidad ng kanilang buhay ay naging mas maayos, “losers”…

Read More

Hamon sa Kamara MARCOS HUBARAN DIN NG P2.2-B SECRET FUND

HINAMON ng mga militanteng mambabatas ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na burahin din sa 2024 national budget ang P2.25 billion confidential funds ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bagama’t ikinatuwa ng Makabayan bloc solons ang pagbura sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte at iba pang ahensya ng gobyerno na walang kinalaman sa national security, hindi kuntento ang mga ito na hindi ginalaw ng Kamara ang kahalintulad na pondo ni Marcos. “Removing several agencies’ confidential funds welcome but elephant in the room unaddressed: President’s secret, intel funds,”…

Read More

KANDIDATO SA BSKE TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 45-anyos na barangay kagawad na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election, sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Mesa, Manila. Kinilala ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, ang suspek na si Rolando Supan, residente ng Sta. Mesa, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, station commander, bandang alas-1:00 ng madaling araw nang arestuhin ang suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Nabatid sa report ng pulisya, ang suspek ay iniuugnay sa ilegal na aktibidad…

Read More

200 LANG CYBERSECURITY EXPERTS SA PINAS?

KULANG ang mga ‘sundalo’ ng Pilipinas na lumalaban sa hackers dahil umabot lang sa dalawang daan ang mga ito. Ito ang nabatid mula sa isang mambabatas sa Kamara kaya iginiit nito sa gobyerno na mamuhunan para magkaroon ng sapat na puwersa ng cybersecurity specialists sa bansa at maproteksyunan, hindi lamang ang seguridad ng mga Pilipino, kundi ang mga institusyon sa bansa. “We have a clear and present danger to our individual, collective, and national cybersecurity. Hence the urgent need for quick solutions,” ani Bohol Rep. Alexie Tutor, kaya nais nito…

Read More

AFP KASADO NA SA EMERGENCY EVACUATION SA PINOYS SA ISRAEL

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na may nakalatag nang contingency plan at handa ang military na magsagawa ng emergency evacuation mission sa Israel at maging sa Hamas occupied Gaza Strip anomang oras na ipag-utos o hilingin ng apektadong mga bansa. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Medel Aguilar sa isang pulong balitaan, “I am here to assure everybody that with the guidance of our president, his excellency President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., the Armed Forces of the Philippine is prepared to execute evacuation operation should there be a need…

Read More

HOUSE SECRETARY GENERAL VELASCO: LAGING BUKAS PO ANG AMING LIBRO SA COA

“LAGING bukas po ang aming libro sa Commission on Audit (COA).” Ito ang tiniyak kahapon ni House Secretary General Reginald Velasco, kasunod ng pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang Kongreso ang dapat ma-audit dahil marami umano itong itinatagong ‘pork barrel.’ Ayon kay Velasco, ang House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay may kasunduan kay dating Pang. Duterte na ang mga government expenditures ay magiging transparent at fully auditable. Nilinaw rin niya na ang Kamara ay walang anomang confidential at intelligence funds.…

Read More

Empowering and Embracing Beauty in Alopecia Awareness Month

Regroe and Pregroe celebrated Alopecia Awareness Month at the Seda Hotel Bonifacio Global City on September 21, 2023. This year’s theme “Educate.Activate.Advocate.” is focused on celebrating uniqueness and raising awareness about the challenges faced by those with alopecia. Said event also marked Regroe’s 35th year in the industry, being the only locally made hair grower using Minoxidil with proven clinical studies among Filipinos. This world-recognized medicated hair restorer was invented by Dr. Vinson B. Pineda, deemed as the Father of Philippine Dermatology, and has been giving hope among millions of…

Read More