‘House of Romualdez’ bistado ‘SELECTIVE PROBE’ DEMOLITION JOB KAY INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAY sabwatan para sirain si Vice President Sara Duterte sa pag-asang maiangat ang popularidad ni House Speaker Martin Romualdez. Ganito ang basa ng isang ‘House insider’ sa ginagawang pagdiin kay Duterte sa usapin ng confidential at intelligence funds na inurirat kamakailan sa mababang kapulungan ng Kongreso. Hindi naniniwala ang nasabing insider na katotohanan lang ang nais ng mga nag-iimbestiga sa pondo ng mga tanggapan ni Duterte. Aniya, matagal nang naobserbahan ang pakikipagkaisa ni Romualdez sa magkaibang panig sa Kamara at ito ay para mapatatag ang kanyang…

Read More

DSWD GAMIT NA GAMIT NG MAGPINSANG MARCOS, ROMUALDEZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANSIN n’yo rin ba dumadalas ang pamamahagi ng ayuda ng administrasyon? Panay-panay ang bigay nila ng mga bigas na ang sabi sinamsam mula sa mga warehouse ng mga ‘smuggler’. Ang nakapagtataka, alam nila kung saan ang warehouse pero hindi nila kilala ang mga smuggler? Pinagdadabugan na nga ‘yan ng mga netizen dahil nakailang bilang na sila sa araw ng mga smuggler pero hanggang ngayon, nagbibilang pa rin. Maging ang pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos na si House Speaker Martin Romualdez na tinatagurian ngayong ‘bawang’ dahil nakasawsaw…

Read More

KAHALAGAHAN NG EPEKTIBO AT MAKABULUHANG KOMUNIKASYON

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO IDARAOS ngayong Oktubre sa unang pagkakataon ang Communications Month alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 308 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Batid ng ating pamahalaan ang mahalagang tungkulin ng komunikasyon sa nation-building. Kailangan ng publiko ang totoo, tama at napapanahong impormasyon para epektibong mailatag at maipatupad ang mga polisiya, programa at proyekto ng gobyerno na makatutulong sa mga Pilipino. Layunin ng naturang proklamasyon na mas mapayabong pa ang industriya ng media na katuwang, hindi lamang ng…

Read More

SENATE BILL NO. 2453 NI SEN. PADILLA AT BALIK-LOOB PROGRAM NI SEN. GO

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MAITUTURING na bagong mambabatas si Senador Robin Padilla. Ngunit hindi matatawaran ang sipag sa trabaho ng mamang ito. Sa katunayan, kamakailan ay naghain ito ng isang panukalang batas na magbubukod sa ilang krimen, kasama ang economic sabotage, at krimen laban sa menor de edad, sa Indeterminate Sentence Law. Sinasabing layunin nitong matiyak na hindi maabuso ang prinsipyo ng rehabilitasyon ng kriminal. Binanggit ni Padilla na sa Senate Bill 2453, bagama’t layunin ng Indeterminate Sentence Law ang rehabilitasyon, ay may mga krimen…

Read More

Kinasuhan ng act of lasciviousness DALAGA BINARIL NG STEPFATHER

BINARIL SA ULO.jpg

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 23-anyos na dalaga nang barilin ng kanyang stepfather dahil sa dati nilang alitan, sa bayan ng Maragondon sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Reabel De Ocampo y Barnedo, 23, habang tinutugis ang suspek na si Alberto Roben Havier, nasa hustong gulang, ng Brgy. Mabacao, Maragondon. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang magtungo ang suspek sa bahay ng biktima sa Brgy. Ganta B sa Maragondon at kinausap hinggil sa matagal nang alitan ng dalawa. Nag-ugat…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA BUNDOL NG VAN

LUCENA CITY – Patay ang isang dalagitang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo makaraang mabangga ng isang kasunod na van noong Sabado ng gabi sa lungsod na ito. Ayon sa Lucena City police, dead on the spot ang babae habang walang malay na isinugod sa ospital ang driver dahil sa mga pinsala sa ulo at katawan. Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng gabi, magkasunod na tumatakbo sa Lucena diversion road ang motorsiklo ng mga biktima at ang Nissan Urvan van na minamaneho ni Paul John Catapangan, ngunit pagsapit sa…

Read More

BINATA GINILITAN NG BABAENG KAINUMAN

QUEZON -Dead on the spot ang isang binata matapos na gilitan umano sa leeg ng kanyang kainumang babae sa Brgy. Sumilang, sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rene Boy Llano, residente ng nasabing barangay. Batay sa report ng Calauag Municipal Police, kainuman ng biktima ang suspek na si Edna Monteclaro at iba pang mga kaibigan, subalit nang pawang mga lasing na ay nagkaroon ang dalawa ng mainitang pagtatalo. Nang matapos ang inuman dakong alas 8:00 ng gabi, pauwi na ang biktima…

Read More

‘RAI’, AI MODERATOR NG RAPPLER

MANILA, Philippines – Paano ba dapat gamitin ang artificial intelligence o AI? Kung may idea ka, maaari mong ibahagi ito kay “Rai,” ang AI moderator na nilikha ng Philippine news site na Rappler. Si Rai ang nagtatrapik ng usapan sa loob ng aiDialogue, ang chat room na ipinakilala ng Rappler nitong Setyembre 16 sa mga lider mula sa sektor ng teknolohiya, gobyerno, negosyo, at civil society na dumalo sa 2023 Manila Social Good Summit sa Taguig City. Ang misyon ng aiDialogue: mangalap ng mga idea at suhestiyon kung paano haharapin…

Read More

TULAK, KASABWAT LAGLAG SA BUY-BUST

UMABOT sa halagang P408,000 ang nakumpiskang umano’y shabu ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, sa inilatag na buy-bust operation sa target na umano’y tulak ng droga, at kasabwat nito sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Loyola Street, Barangay 390, Quiapo, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang umano’y tulak na si Brando Martinez, alyas “Pandoy”, jobless, ng Barangay 118, Tondo, Manila. Binitbit din ng mga awtoridad ang umano’y kasabwat nito na si alyas “William”, 56-anyos. Base sa…

Read More