NDRRMC, OCD NANAWAGANG MAKIISA SA NATIONAL EARTHQUAKE DRILL

NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at office of Civil Defense sa sambayanan na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Nobyembre 5, 2026, dakong alas-9:00 ng umaga upang matutuhan ang mga tamang hakbang sa oras ng lindol.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), sila at ang mga kasaping ahensya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay magsasagawa ng ika-apat na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para ngayong taon kasabay sa paggunita ng World Tsunami Awareness Day (WTAD) 2026 para isulong ang earthquake and tsunami preparedness.

Magsisimula ang programa ng NSED sa alas-8:00 ng umaga, na susundan ng ceremonial pressing of the button ganap na alas-9:00 ng umaga bilang hudyat ng pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold at evacuation drill.

Bilang bahagi ng earthquake drill at pakikiisa sa World Tsunami Awareness Day, isasagawa rin ang full-scale exercise on earthquake-tsunami scenario sa Cagayan Valley, na magsisilbing pangunahing ceremonial site ng NSED.

Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED ay isang pagsasanay bilang paghahanda sa banta ng lindol. Dito isinasagawa ang DUCK, COVER, and HOLD kasunod ng evacuation drill o ang paglabas sa mga kabahayan o sa kung saan mang establisimyento papunta sa evacuation area o open space kung saan ligtas mula sa mga posibleng bumagsak na debris.

Layunin nito na patuloy na ituro at sanayin ang mga publiko sa mga dapat gawin sakaling tumama ang lindol.

Magsisimula ang programa ng NSED dakong alas-8:00 ng umaga, na susundan ng ceremonial pressing of the button sa ganap na alas-9:00 ng umaga bilang hudyat ng pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold at evacuation drill.

Sentro ng gaganaping Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) Pressing of the Button Ceremony at World Tsunami Awareness Day (WTAD) 2026 Observance, ang Country Inn, Sta. Ana, Cagayan.

Tampok sa nasabing kaganapan ang ceremonial pressing of the button, na susundan ng “Over Coffee Dialogue: Earthquake and Tsunami Preparedness” forum, na dadaluhan ng mga eksperto at government officials at tatalakayin ang mga earthquake and tsunami risks and preparedness measures.

Ang full-scale earthquake and tsunami exercise na gaganapin sa Sta. Ana, Cagayan, ay pinangungunahan ng OCD, kung saan magsasagawa ng magnitude 8.5 earthquake simulation na nalikha dahil sa paggalaw ng fault sa East Luzon.

Ang nasabing pagsasanay ay maghahatid para magkaisa ang government agencies, emergency responders, local government units, and communities at masubok ang kakayahan sa disaster preparedness and response capabilities.

Pinayuhan ang publiko na pag-aralan at matutunan ang earthquake and tsunami hazards, matukoy ang evacuation routes at safe areas, at ihanda ang pamilya sa emergency plans para makatulong na maprotektahan ang mga buhay sa panahon ng emergencies and disasters.

Kaugnay nito, nanawagan din si Civil Defense Administrator Undersecretary Harold Cabreros para sa malawakang integration ng science and technology sa disaster risk reduction and management (DRRM) para mapalakas ang disaster preparedness and community resilience.

Target ng OCD na palawakin ang paggamit ng science and technology sa DRRM kaya pinangunahan ni Usec. Cabreros ang panawagan sa ginanap na Department of Science and Technology’s (DOST) HANDA Pilipinas Luzon Leg sa Mabalacat, Pampanga.

“Through science, technology, and innovation, HANDA Pilipinas helps strengthen the technical capabilities of DRRM practitioners and local government units (LGUs). It also promotes public awareness and fosters a culture of disaster preparedness,” pahayag ni Usec. Cabreros.

Ang HANDA Pilipinas na may temang “Agham at Teknolohiya para sa Ligtas at Matatag na Bayan,” ay sinabayan ng ceremonial turnover at paglulunsad ng DRRM at climate change adaptation (CCA) projects kabilang ang GeoRiskPH’s HANDA Integrated Platform for Preparedness and Response.

“Sa pamamagitan ng HazardHunterPH, maaaring matukoy at masuri ang mga posibleng hazard sa inyong lugar, kabilang ang mga panganib na dulot ng lindol at tsunami, batay sa inyong lokasyon,” ayon sa OCD.

(JESSE RUIZ)

57

Related posts

Leave a Comment