TINATAYAANG lalagpas sa 200,000 katao ang maapektuhan ng Bagyong Goring na muling naging isang Super Typhoon at patuloy na nanalasa sa dulong hilagang Luzon kahapon, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Habang sa inisyal report naman ng NDRRMC, umabot nasa P41 million ang winasak ni Typhoon Goring sa imprastraktura sa mga lalawigan ng Cagayan, Mimaropa, Western Visayas, Cordillera habang patuloy pa itong nanalasa sa northern Luzon. Sa inilabas na datos ng NDRRMC kahapon ng umaga, nasa 196,926 katao na ang naapektuhan ng bagyo at 35,095 nito ang…
Read MoreAuthor: admin 5
PASAHERO HINOLDAP, LOLO ARESTADO
CAVITE – Nadakip ang isang isang senior citizen matapos holdapin ang pasahero na sakay ng kanyang motorsiklong “Bokyo” sa Tagaytay City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong ‘robbery with force and intimidation against a person’ ang suspek na si Lito Gubot y Unyot, 60, may asawa, Bokyo driver, ng Brgy. San Jose, Tagaytay City, matapos na ireklamo ng biktimang si Aileen Montecalvo y Belostrino, 25, may asawa, ng Tagaytay City. Ayon sa salaysay ng biktima, sakay siya sa Bajaj (Bokyo) na may body number 1365, na minamaneho ng suspek…
Read MoreBULKANG MAYON NAKATAAS PA RIN SA ALERT LEVEL 3
PATULOY na nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkan Mayon habang may mabagal na pagdaloy ng lava sa bunganga nito, iniulat noong Agosto 29 (Martes), ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, naitala ang 13 volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan sa nakalipas na magdamag. Sinabi pa ng Phivolcs, natatakpan ng ulap ang tuktok ng Bulkang Mayon at namataan ang panandaliang pamamaga ng bulkan. Nabatid pa sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinoman sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).…
Read MoreEX-COP SA VIRAL ROAD RAGE ‘DI NA DAPAT HUMAWAK NG ARMAS
KINONDENA ng ilan pang senador ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan. Iginiit ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi na dapat makahawak ng baril si Gonzales. Sinabi ni dela Rosa na hindi dapat payagan na mag-armas pa si Gonzales upang hindi tularan ng iba. Idinagdag ni dela Rosa na kung siya ang nakaharap ni Gonzales ay maaaring pinaputukan na niya ito dahil malinaw na nasa panganib ang kanyang buhay. Iginiit…
Read MoreROMUALDEZ SINAMAHAN BOC SA PANIBAGONG RICE WAREHOUSE INSPECTION
MULING sumama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BOC) sa pagsasagawa ng surprise inspection sa mga rice warehouse sa Bulacan. Kasabay nito ay sinabihan ni Speaker Romualdez si BOC Commissioner Bienvenido Rubio na tiyakin na makukulong ang mga rice smuggler at hoarder na nasa likod ng pagmanipula ng presyo na maituturing umanong “heinous crime” laban sa mahihirap na Pilipino. Nagbabala rin si Speaker Romualdez sa mga rice trader at importer na ilabas na sa merkado ang kanilang mga naka-imbak na bigas. “Rice found to be smuggled…
Read MoreBROADCASTER-COMMENTATOR KA REX CAYANONG, PUMANGALAWA SA INDEPENDENT SURVEY SA SAN ISIDRO, ANTIPOLO CITY
ISANG Linggo bago ang filing of Candidacy, isang independent o non-commissioned survey sa San Isidro, Antipolo City ang inilabas ng isang local based survey firm na Go Rizal Go kahapon. Ang naturang Survey na may temang “sino ang inyong napupusuan” at may kabuuang 500 respondent mula sa iba’t ibang sektor sa San Isidro na isinagawa sa hanay ng TODA, kabataan, LGBTQ at sa palengke. Umikot ang mga katanungan sa mga sumusunod: 1) Naniniwala ka ba na ang pulitika sa Barangay ay non partisan, 2) Dapat ba ang Barangay ay patakbuhin…
Read More‘SUPER FRIENDS’ SA COA BANTAY SALAKAY SA PONDO NG BAYAN?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING tanong kaysa sagot kung tapat ang ating opisyales sa Commission on Audit sa kanilang sinumpaang tungkulin. Ilan sa mga katanungan na dapat mabatid ng taumbayan ang tamang kasagutan ay kung sino ang nga taong bayad na ang sahod pero nangungulimbat pa rin sa pondo ng gobyerno na sila dapat ang magprotekta. Mga tanong sa kumakalat na alingasngas tungkol sa tinatawag na “Super Friends” sa loob ng COA, na sila dapat ang taga-bantay sa pera ng taumbayan: Sino si Superman sa loob ng COA? Sino…
Read MoreUGNAYAN NG BOC-CEBU AT CCBI PINALAKAS
NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, sa pamumuno ni District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, kasama sina Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) – Cebu Chapter President Mr. Elizir Lao; Internal Vice President, Mr. Elorde I. Talisic; Vice President for Government Affairs, Mr. Joshua T. Tan; Secretary, Mr. Elizalde P. Deligero; Treasurer, Mr. Richard M. Rongcales; at Directors, Claudine Fel C. Lauros at Carlos A. Barte noong Agosto 22, 2023. Layunin ng nasabing pulong ang pagpapahusay ng kooperasyon at pagpapalakas ng bonding sa…
Read MoreISO CERTIFICATION SA BOC-CURRIMAO ABOT KAMAY NA
INAASAHAN ng Bureau of Customs – Sub-port of Currimao na makakamit nila ang International Organization for Standard 9001:2015 certification matapos makatanggap ng green light upang matuloy na sa External Audit Stage patungo sa nasabing layunin. Ito ay matapos matagumpay na makumpleto ang two-day Stage 2 Internal Quality Audit na isinagawa ng Bureau of Customs (BOC) Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO) noong Agosto 22-23, 2023, sa Currimao Sub-port Office sa Pias Sur, Currimao, Ilocos Norte. Ang IIQMSO Team ay binubuo nina Lead Auditor Mr. Joseph G. Escasio, Auditor Joyce…
Read More