BOC MULING NAGBABALA VS FAKE ACCOUNTS

MULING nakatanggap ng ulat ang Bureau of Customs (BOC) ukol sa mga pekeng account gamit ang pangalan at larawan ng mga empleyado ng ahensya. Ang naturang mga pekeng account ay nagpapanggap na taga-BOC at humihiling sa mga biktima na magbayad ng fees gamit ang online payment, money remittance o bank transfer. Ang mga opisyal ng BOC, kasama na ang BOC Customer Assistance and Response Services, ay HINDI DIREKTANG nakikipag-ugnayan sa mga tatanggap ng parcel/package sa pamamagitan ng tawag sa telepono, text message, o email upang ipaalam o hilingin sa kanila…

Read More

PABAHAY NI BBM ‘DI ABOT-KAYA NG MASA

TANGING mga may kaya sa buhay at hindi mahihirap ang makikinabang sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang kapwa tinuran nina ACT party-list Rep. France Castro at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa pagdinig ng House appropriations committee sa budget ng Human Settlement and Urban Development (DHSUD) kahapon sa Kamara. “Kung titingnan ko ang presyo ng pabahay Mr. chair, hindi ito pabahay sa mga mahihirap eh,” pahayag ni Castro dahil ang halaga ng isang unit ay aabot ng P1.4 million…

Read More

Dinismiss ng Ombudsman tinanggap sa DOJ BOYING MAKAKALADKAD SA EX-COP SA VIRAL VIDEO

POSIBLENG makaladkad si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa dating pulis Quezon City na nag-viral matapos mahulicam ang pambabatok at pagkasa ng baril sa nakaalitang siklista. Sa kondisyon huwag nang pangalan, sinabi ng isang taga-Kongreso na hindi maiwasang makaladkad si Remulla matapos lumabas na nagtatrabaho sa ahensya nito si Wilfredo “Willie” Gonzales. “Makukuwestiyon si Boying diyan bakit nakapagtrabaho sa DOJ ang pulis na iyan na dinismiss ng Ombudsman,” ayon sa isang mambabatas. Base sa mga report, dinismiss ng Office of the Ombudsman si Gonzales noong 2018 bagama’t…

Read More

First time in history DA NI BBM HUMIRIT NG P50-M CONFI FUND

POSIBLENG maging wise investment ang paglalaan ng confidential fund sa Department of Agriculture sa susunod na taon. Ito ang inihayag ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na umaming ito ang unang pagkakataon na may alokasyon para sa P50 million confidential fund ang ahensya na gagamitin para palakasin ang paglaban sa smuggling. Ayon kay Angara, kahit sa mga nakaraang pagdinig sa budget ay wala siyang maalala na may ipinanukalang ganito subalit tiniyak na daraan ito sa matinding debate sa Senado. Sinabi ni Angara na posibleng maging wise investment sa…

Read More

IRR SA MAHARLIKA INILABAS NA

IPINALABAS na ng Bureau of the Treasury ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF) kasunod ng komprehensibong konsultasyon sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP). Sinabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na inilathala sa Official Gazette, nitong Lunes, Agosto 28, ang detalyadong IRR ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act, gagamitin para sa pagsasaayos ng pagtatatag ng unang “sovereign wealth fund” ng bansa. Ayon kay Diokno, ang IRR ay ipinadala sa National Printing Office noong nakaraang Agosto 22, at…

Read More

TRIKE DRIVER PATAY SA TANDEM SA QUEZON

QUEZON – Sa kabila ng umiiral na election gun ban at paglalatag ng Comelec checkpoints ng mga awtoridad, isang tricycle driver ang namatay sa pamamaril ng riding in tandem gunmen sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Rico Abrenica Alvis, 45, matapos barilin ng backrider habang ito ay sakay rin ng kanyang motorsiklo sa Maharlika highway, Brgy. Malabanban Norte dakong alas-6:00 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, sinundan ng mga suspek ang biktima at nang maabutan ay pinaputukan gamit ang…

Read More

LALAKI ITINUMBA NG KAINUMAN

CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang lalaki ang inuman ng magtropa nang barilin sa ulo ang biktima ng kanyang katagay sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Albert Set Toledo, nasa hustong edad, ng Brgy. Sabutan, Silang, dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Romeo Dela Cruz y Torres, 55, ng Brgy. Kaong, Silang, na tumakas makaraan ang pamamaril. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson…

Read More

1 PATAY SA SUNOG SA CALAMBA CITY

LAGUNA – Patay ang isang binatang estudyante sa sunog na tumupok sa isang residential house sa Laguna Buenavista Executive Homes sa Brgy. Barandal, Calamba City noong Lunes ng umaga. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection Calamba, natutulog sa ground floor ng bahay ang biktimang si Frederick Louie Antipuesto, nang sumiklab ang apoy dakong alas-5:30 ng umaga. Sinabi ng isa sa mga kasama sa bahay, nasa 2nd floor siya kasama ang kanyang dalawang pinsan at ang nanay ng biktima nang marinig nila ang pagsigaw ng biktima na noon ay…

Read More

3 NASAMPULAN SA GUN BAN SA CALABARZON

TATLO katao ang nasampulan sa unang araw ng pagpapatupad ng COMELEC gun ban noong Lunes, kaugnay sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023, matapos mahulihan ng baril sa iba’t ibang lugar sa Calabarzon region. Ayon sa report ng Police Regional Office 4A- Calabarzon, unang naaresto ng mga pulis si Melquiades Salva Quieta, habang sakay ng motorsiklo sa checkpoint sa Trece Martires, Cavite dakong alas-10:45 ng umaga. Nakumpiska mula kay Quieta ang caliber 40 pistol Glock 22 at mga bala. Dakong alas-12:50 ng tanghali nang arestuhin si Efren Robiso…

Read More