BRGY. CAPTAIN BINARIL MATAPOS MAG-FILE NG COC

ALBAY – Patay ang isang incumbent barangay chairman matapos barilin ng dalawang hindi kilalang gunmen makaraang mag-file ng certificate of candidacy (COC) sa bayan ng Libon, sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Alex Enriquez Repato, 51, chairman at residente ng Barangay San Jose, Libon. Ayon sa report ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), kakarating lamang ng biktima sa kanyang bahay galing sa pag-file ng COC sa Comelec office, nang barilin ng dalawang suspek dakong alas-5:20 ng hapon. Ayon sa ulat, inabangan ito ng…

Read More

HINDI PA TAPOS KALBARYO NI PO1 GONZALES

RAPIDO NI TULFO HINDI pa tapos ang problema ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales na siyang sentro ng nag-viral na video nito lang linggo. Makikita sa tinanggal na video ng uploader, na binatukan ni Gonzales ang siklista at kinasahan ng baril matapos na akmang babalikan siya nito. Pero makikita rin sa video na nabanggit, na sinagi ng pulang kotse na minamaneho ng dating pulis, ang siklista na nasa kanyang linya. Nagpakita si Gonzales kinahapunan sa opisina ng QCPD at nagbigay ng pahayag hinggil sa nag-viral na video. Ayon dito,…

Read More

‘LIFTING OF BLACKLIST’ SLOT SA POGO, FOR SALE

BISTADOR ni RUDY SIM NAGBABALA si Cagayan De Oro City, Congressman Rufus B. Rodriguez sa bagong ipinalabas na patakaran ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mga kababayan nating biyahero palabas ng bansa, na maaaring samantalahin ito ng ilang tiwaling mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa lahat ng mga paliparan sa bansa. Bagama’t saludo tayo sa paghihigpit ng immigration officers upang maprotektahan ang mga kababayan natin laban sa malawakang operasyon ng human traffickers, ay dapat din sigurong tingnan ng ahensya kung paano mareresolba ang problema…

Read More

ANG HOUSE BILL 8898 NI CONG. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG ILANG linggo nang sunod-sunod ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo. Matinding dagok ito para sa mga motorista at mamamayan. Kapag nagkaroon kasi ng oil price hike, nagkakaroon din ng domino effect. Ibig sabihin, pati ang iba pang mga pangunahing bilihin ay tumataas din ang presyo. Ngunit malaking bagay na may mga mambabatas tayo na humahanap ng solusyon upang maibsan ang pasanin ng mamamayan. Tulad na lamang ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-List Representative Erwin Tulfo na naghain ng House Bill 8898. Sinasabing layon nitong tuluyang…

Read More

MULTI-MARITIME PATROL POSIBLE SA WEST PHILIPPINE SEA

SA gitna ng sigalot sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS), nakikini-kinita ng Department of National Defense (DND) ang pagsasakatuparan ng joint or separate undertaking sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, United States, Japan at Australia. Sa ginanap closing ceremony ng inaugural exercise ALON 2023, ang kauna-unahang bilateral amphibious exercise sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force sa Tejeros Hall, AFP Officers Club sa Camp Aguinaldo kahapon ay inihayag ni Defense Undersecretary Ireneo Espino ang posibilidad ng pagkakaroon ng multilateral naval patrol sa WPS. “We are,…

Read More

PAGKAKAPATAY NG PULIS SA ISA PANG TOTOY SISILIPIN NG CHR

NAGLUNSAD ang Commission on Human Rights (CHR) ng motu proprio investigation sa pagkamatay ng isa na namang binatilyo na di umano’y nabaril ng pulis sa ‘Oplan Sita’ sa Rodriguez, Rizal. Ang 15-anyos na biktimang si John Frances Ompad o si alyas ‘Kulot’ ay nakaburol na sa kanilang bahay makaraan ang insidente nito lamang Agosto 20. Ilang araw matapos ilibing ang binatilyo ring si Jemboy Baltazar na napatay naman sa Navotas. Sa ulat, nag-ugat ang insidente sa paninita ng nakasibilyang pulis na nakilalang si Corporal Arnulfo Sabillo sa isang motorcycle rider…

Read More

BSKE COC FILING SA MAYNILA DINAGSA

UMARANGKADA na noong Lunes ng madaling araw ang pagpapatupad ng Comelec checkpoints at gun ban sa Metro Manila kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre 30. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office, sa Metro Manila, partikular na naglatag ng checkpoints sa bahagi ng mga boundary ng San Juan at Quezon City, at San Juan at Sta. Mesa, Manila. Sa Mandaluyong, kapansin-pansin naman ang mga pulis sa pangunahing mga kalsada tulad ng Kalentong Street. Samantala, sa Parañaque City, nagpatupad ng checkpoint…

Read More

SM at TESDA, tungo sa lalong pagsulong ng edukasyon at trabaho

Pinagpatibay ng SM Supermalls ang kanilang pangako sa pagbibigay ng learning and upskilling opportunities sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na ginanap sa SM Megamall Event Center noong Agosto 22. Pinangunahan nina Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Suharto Mangudadatu (gitna) at SM Supermalls’ President Steven Tan (kanan) ang pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng TESDA sa SM Megamall. Kasama nila sina (mula sa kaliwa): TESDA Deputy Director General for TESD Operations Aniceto Bertiz III, Mandaluyong City…

Read More

Your UnionBank Mastercard may be the key to a brand-new BMW

Union Bank of the Philippines (UnionBank) Mastercard credit cardholders, this is for you! UnionBank has teamed up with BMW for a Mastercard-exclusive raffle that is sure to enhance your credit card usage. Through this UnionBank Mastercard promo, cardholders can get a chance to drive home a brand-new 2023 BMW X1 simply by using their UnionBank Mastercard credit card! Every P20,000 accumulated spend (from straight local or forex retail, bills payment, and installment transactions) earns five (5) raffle entries for a chance to win a brand-new 2023 BMW X1. Also, card…

Read More