HINDI pa tapos ang laban ni Sen. Robin Padilla para sa charter change (cha-cha). Hanggang ngayon ay buo pa rin ang pananaw niya hinggil dito. Katunayan, umaasa si Padilla na magsisilbing susi sa pagbabago ng Saligang Batas ang 2025 midterm elections. Para sa kanya, dapat piliin ang mga mambabatas na suportado ang pag-aamyenda sa Konstitusyon upang makapasok ang dayuhang mamumuhunan at maging mas mabisa ang sistema ng gobyerno. Sa kanyang talumpati sa ika-29 anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ipinaliwanag ni Padilla na hindi dapat ihalal ang…
Read MoreAuthor: admin 5
BOC-PORT OF CEBU BINISITA NI IAG DEP. COMM. FERMIN
MAINIT at magiliw na tinanggap ni Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, si Internal Administration Group (IAG) Deputy Commissioner Michael C. Fermin sa pagbisita nito noong Agosto 25, 2023. Ang pagbisita ay nagbigay ng magandang pagkakataon para kay Deputy Commissioner Fermin na makakuha ng mga ‘insight’ sa operasyon at mga inisyatiba sa pamamagitan ni District Collector Atty. Morales II. Isa sa focal points ng pagbisita ang inspeksyon sa konstruksyon ng New Aduana de Cebu building. Inobserbahan nina District Collector Atty. Morales…
Read MoreBAGONG GUSALI NG BOC SUB-PORT OF MINDANAO CONTAINER TERMINAL, PINASINAYAAN
PINASINAYAAN ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of Mindanao Container Terminal (MCT) ang bagong gusali nito sa Phividec Industrial Estate sa Tagoloan, Misamis Oriental, noong Agosto 22, 2023. Sa nasabing bagong pasilidad, layunin ng MCT Subport na pataasin ang kanilang revenue contribution pati na rin ang pagpapaganda ng kanilang mga serbisyo sa stakeholders. Pinangunahan ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang ribbon cutting at pagbabasbas sa bagong gusali na magiging tahanan ng mahalagang BOC frontline offices sa MCT, kasama ang Customer Care Center, Sub-port Collector’s Office, Assessment Division, Operations Division,…
Read MoreP.5-B SMUGGLED RICE NADISKUBRE SA BULACAN WAREHOUSES
UMABOT sa mahigit kalahating bilyong pisong halaga (P505-M) ng smuggled imported rice ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t ibang mga warehouse sa lalawigan ng Bulacan noong Agosto 24, 2023. Isang team na pinamunuan ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, kasama ang CIIS-Manila International Container Port (CIIS-MICP) agents, at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana, ang nagsagawa ng inspeksyon sa natukoy na mga warehouse sa Intercity Industrial Complex sa San Juan, Balagtas, Bulacan, kung saan natuklasan na naglalaman ito ng 202,000 sacks ng…
Read MoreRICE CARTEL PROTEKTADO SA MARCOS ADMIN?
PROTEKTADO hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang rice cartel sa bansa na unti-unting pumapatay sa mga lokal na magsasaka. Ito ang alegasyon ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos kasunod ng isinagawang raid sa mga bodega sa Bulacan na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez. “We want to believe that the latest raid of several rice warehouses in Bulacan is not just for show and some brownie points,” ani Ramos dahil wala naman aniyang nahuli kundi kinumpiska lang ang may 202,000 sako ng…
Read MoreIMPEACH VP SARA MALABO PA
MAITUTURING pang suntok sa buwan ang pagpapa-impeach kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte dahil kontrolado ng Malacañang, hindi lamang ang mayorya sa Kamara kundi maging ang karamihan sa minorya. Maging si House deputy minority leader France Castro ay aminadong “premature” pa para pag-usapan ang pagpapa-impeach kay Duterte dahil sa paggamit nito ng P125 million intelligence at confidential funds (CIF) sa unang anim na buwan ng kanyang pagiging bise presidente gayung hindi binigyan ng nasabing pondo ang tanggapan na inilipat sa kanya ni dating Vice President…
Read MoreEXTORTION, CORRUPTION LALALA SA IMMIGRATION
POSIBLENG lumala ang corruption at extortion sa Immigration kapag hindi binawi ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang bagong patakaran sa mga bibiyaheng Pilipino palabas ng bansa. Ito ang babala ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kaugnay ng inilabas na bagong guidelines ng IACAT na ayon sa mambabatas ay paglabag sa constitutional rights ng mga Pilipino na bumiyahe. “I am afraid that’s where extortion, harassment and corruption will arise,” pahayag ni Rodriguez. Dahil dito, ipinakokonsidera ng mambabatas sa IACAT na pinamumunuan ni Justice Secretary Crispin Jesus “Boying”…
Read MoreNANG-UMBAG NA PULIS, ARESTADO
NAHAHARAP sa kasong frustrated homicide at administratibo ang isang pulis makaraang ireklamo ng pang-uumbag sa Dasmariñas City, noong Agosto 23. Ayon sa utos ni P/BGen. Carlito Gaces, Regional Director ng CALABARZON, kay P/Col. Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office (PPO), masusing iniimbestigahan ang insidente ng umano’y pananakit ni Patrolman Christian Magwali Cinco, nakatalaga sa Tagaytay Component City Police Station, kay Juan Carlo Pantoja Luzada, 30, ng Barangay Saint Peter-2, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Hall ng Saint Peter-2 Dasmariñas City kung saan…
Read MorePAGHAHANDA SA BSKE IPINORMA SA QUEZON
BILANG paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election 2023, sinimulan nang paganahin ang Quezon Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) for BSKE 2023, Sabado ng umaga sa Lucena City. Ang pag-arangkada ng PJSCC ay dinaluhan nina Provincial Election Supervisor, Atty. Allan S. Enriquez, Quezon Police Provincial Office Provincial Director, PCOL Ledon Monte at mga kinatawan ng AFP. Naroon din ang lahat ng hepe ng pulisya sa bawat bayan at munisipalidad at ang mga election officer sa buong probinsya. Ayon kay Ledon, mas paiigtingin ng Quezon PNP ang pagbabantay…
Read More