NLEX, ‘DI PROBLEMA KUNDI MALAWAKANG BAHA SA CENTRAL LUZON

MY POINT OF BREW ni JERA SISON SA totoo lang, naging isa sa mga pangunahing nabatikos ang NLEX noong nakaraang mga linggo dulot ng usad-pagong na daloy ng trapiko sa kahabaan ng San Simon Exit dahil sa malalim na baha. Naiulat na umabot ng mahigit anim na oras ang biyahe ng mga sasakyan bago makaalpas sa bahaging lugar ng San Simon Exit. Tulad din ng baha, binaha ng batikos ang pamunuan ng NLEX sa pangyayaring ito. Pati ako mismo ay nakarinig ng sama ng loob mula sa aking mga kaibigan…

Read More

WAKAS NG MATIKAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KAMAKAILAN, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak kay suspended Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong dahil sa grave misconduct, abuse of authority and misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Muntik na akong bumilib noon kay Chiong dahil may mga nagsasabing matibay ito. Bata raw kasi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista. Si Chiong ay kinuha ni Bautista para mangasiwa. Ayon sa Ombudsman, si Chiong ay hinirang bilang acting general manager at miyembro ng board…

Read More

MAS LALO PANG TUMAAS ANG AKING TINGIN SA OFWs

RAPIDO NI TULFO I went on a short business trip to Dubai recently, tatlong araw lang po ako doon at sa maikling panahon na inilagi ko sa maunlad na siyudad, lalo pong tumaas ang tingin ko sa ating mga kababayang nangingibang bayan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Isang dahilan ay ang napakainit na klima sa naturang lugar, ang average temperature sa Dubai halimbawa, ay nasa 40 degrees po samantalang dito sa atin ay nasa 34 lang depende kung nasaan ang inyong lokasyon. Hindi biro ang agwat ng…

Read More

ONE-TIME CASH INCENTIVES SA SENIOR CITIZENS MULA KINA VICE GOV. LILIA AT GOV. DELTA

TARGET NI KA REX CAYANONG OLD but gold. Ganyan inilalarawan at pinahahalagahan ni Pampanga Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda ang matatandang kabalen. Kamakailan naman, masaya siyang namahagi ng ‘one-time cash incentives’ para sa senior citizens. Aba’y sila ‘yung may edad na 95 taong gulang pataas. Ginawa ang pamamahagi ng ayuda matapos bumisita sa bise-gobernadora sa kapitolyo ang mga senior. Kung hindi ako nagkakamali, aabot sa 13 mga lolo at lola mula sa iba’t ibang distrito ng Pampanga ang nakatanggap ng tig-P100,000 mula kina Governor Dennis ‘Delta’ Pineda, Vice Governor Nanay, at…

Read More

NAGLIPANANG TEXT SCAMS PINABUBUSISI SA SENADO

HINILING ni Senador Grace Poe sa kaukulang komite sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa patuloy na text scams at paggamit ng mga ilegal na POGO operations ng libu-libong SIM sa kabila ng ipinatutupad na Mandatory SIM Registration Law. Inihain ni Poe ang Senate Resolution 745 na humihiling na pagpaliwanagin ang telecommunications company o telcos at ang mga ahensyang nangunguna sa implementasyon ng Mandatory SIM Registration Act kaugnay sa patuloy na paglipana ng text scams. Partikular na ipatatawag ang National Telecommunications Commission, Department of Information and Communications Technology, at Department…

Read More

7 SA 10 PINOY SUPORTADO PAG-EMPLEYO NG HINDI LISENSYADONG NARS

SA isinagawang pag-aaral ng Capstone-Intel Corporation, lumabas dito na 69 porsyento ng mga respondente sa buong bansa ang naniniwala na ang mga hindi lisensyadong nars ay makapagbibigay ng de-kalidad na mga pangangalagang pangkalusugan sa bansa, sa pasubali na sila ay pinangangasiwaan ng lisensyadong nars. Ito ay isang online panel data survey na isinagawa para sa layunin ng pag-aaral na ito. Ang pag-aaral ay isinagawa mula Agosto 1, 2023 hanggang Agosto 10, 2023 at ipinadala sa 20,381 data-panel na respondente, at 1,205 sa mga ito ang nakakumpleto sa pagsagot sa survey.…

Read More

PNP nag-deploy ng dagdag pwersa sa Negros Oriental HOTSPOTS POSIBLENG MADAGDAGAN PA

HINDI inaalis ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na madagdagan pa ang mga lugar na maituturing na hotspots o ‘areas of immediate concerns’. Ayon sa pamunuan ng PNP, posibleng madagdagan pa ang binabantayang ‘areas of grave concern’ ng government security forces dahil sa tumitinding mga tunggalian sa larangan ng pulitika. Ang mga ito ay itinuturing na election hotspots o ‘areas of immediate concerns’ habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre. Sa ibinahaging datos ni PNP Public Information Office chief, PBGen. Red Maranan,…

Read More

MIDWIVES SA CL UMAPELA SA DOH SA BIRTHING RULES

ANGELES CITY — Umapela sa Department of Health (DOH) ang 100 indignant private practicing midwives sa Gitnang Luzon at kumakatawan sa tatlong grupo, na i-review ang Circular No. 2021-005 na pumipigil sa kanila na mag-administer ng health care sa mga buntis, kasabay ng pag-aalala na tumaas ang maternal and neonatal deaths sa bansa. Mula sa temang “Empower Birthing Clinics To Improve Rural Healthcare Access, Referrals & Disease Monitoring”, nagsanib ng pwersa ang mga grupo ng Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP), Philippine Society of Private Midwife Clinic Owners (PSPMCO)…

Read More

LALAKI PATAY SA SAKSAK NG LIVE-IN PARTNER

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang tarakan sa tagiliran ng kanyang live-in partner nang magkapikunan sa kalagitnaan ng kanilang masayang inuman sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa Poblete Memorial Hospital ang biktimang si Donny Bulatao y Campano dahil sa saksak sa tagiliran mula sa kanyang live-in partner na si Nora Gostilo y Orence. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima, kanyang live-in partner at isang Rodel Del Carmen, na nakasaksi sa pangyayari, sa Kaytitinga 3, Alfonso, Cavite dakong alas-9:50 ng…

Read More