P20/K NG BIGAS MALABO —DA

MALABONG mangyari ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bababa ng P20 ang kada kilo ng bigas. Ito ang inamin ng Department of Agriculture (DA) sa pagdinig ng Kamara sa kanilang budget sa susunod na taon matapos uriratin ni Basilan Rep. Mujiv Hataman kung bababa na sa P20 ang presyo ng bigas kapag naging self-sufficient ang bansa pagdating ng 2028. “Does it means Mr. chairman pagdating nung self sufficiency level natin maabot na rin natin yung P20 na campaign promise ng ating Pangulo?,” tanong ni Hataman matapos…

Read More

RICE CARTEL ‘ABSWELTO’ SA DA

MISTULANG pag-abswelto sa rice cartel ang pagbalewala rito ng Department of Agriculture (DA). Ito’y dahil hindi umano naniniwala ang DA a may ganitong grupo bagaman matagal nang pinag-uusapan na may kartel sa bigas na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino. “I don’t believe in rice cartel,” sagot ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian sa tanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na “do you believe in rice cartel”. Medyo uminit ang ulo ni Abante sa sagot ni Sebastian dahil maging ang Philippine Competition Commission (PCC)…

Read More

Hiningi ng Comelec at Taguig BOTANTE NG 10 EMBO BARANGAYS DAPAT I-TURNOVER NG MAKATI

KASUNOD ng pagkilala ng Commission on Elections (Comelec) sa 10 Embo Barangays bilang bahagi na ng Taguig, umapela ang komisyon at ang Taguig LGU ng kooperasyon mula sa Makati City. Matatandaan na sa pagbubukas ng Brigada Eskwela ay nagkaroon ng tensyon sa EMBO schools na bibisitahin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at volunteers nang harangan ang daan patungo sa mga paaralan at nagpaskil din ng malalaking banner na nagsasabing pagmamay-ari ng Makati City ang mga school building. Ang tensyon ay nangyari sa kabila ng malinaw na memorandum order na…

Read More

KASUNDUAN KAY VP AT DEPED SEC. SARA NILABAG NI MAYOR ABBY

HINDI na dapat nakialam ang Makati City sa Embo Schools matapos ang ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte subalit ilang guro ang nagreport ng paglabag ng lungsod sa kautusan. Ini-report ng mga guro ang ilang paglabag umano ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School. Ang nasabing school supplies ay pinadeliver sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati. Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng…

Read More

FUEL SUBSIDY SA MGA TSUPER, IPAMAHAGI NA

NANAWAGAN si Committee on Public Services Chairperson Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na agad nang ipamahagi ang fuel subsidy sa mga tsuper at operators ng public utility vehicles. Ito ay kasunod ng panibagong fuel price hike ngayong linggo kung saan P1.10 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.70 sa kada litro naman ng kerosene. Ipinaalala ni Poe na naglaan ang Kongreso ng P3 billion fuel subsidy sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act na hanggang ngayon ay hindi…

Read More

PONDO NG DOH SA 2024, TIYAK PANG MADARAGDAGAN

PINAWI ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang pangamba ng ilan sa natapyasang pondo ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP). Sa ilalim kasi ng NEP binawasan ng P10 bilyon ang hinihinging budget ng DOH para sa 2024. Sinabi ni Angara na tiwala siyang maitataas pa ang pondo ng DOH sa susunod na taon kapag ito ay dumaan na sa pagdinig ng Senado at Kamara at sa pagtalakay ng bicameral conference committee. Ipinaliwanag ng senador nasa mga nakalipas na taon ay nadadagdagan…

Read More

DAGDAG SAHOD SA MGA GURO, MULING INIHIRIT

ISANG Linggo bago ang pagbubukas ng school year 2023-2024, muling inihirit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang itaas ang sahod ng mga guro upang maiangat ang kanilang morale at itaguyod ang kanilang kapakanan. Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Education (DepEd) na pag-aralan kung ano ang mga pangmatagalang hakbang para madagdagan ang sahod ng mga guro at kawani, bukod pa sa pagtaas ng sahod na kanilang natanggap sa ilalim ng Salary Standardization Law. “Mahalagang hakbang na maitaas ang sahod ng ating mga guro upang…

Read More

PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES NILARGA NG TAGUIG LGU

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng lungsod, kabilang ang mula sa 10 bagong barangay ng EMBO noong Martes (Agosto 22). Depende sa antas ng kanilang baitang, ang mga estudyanteng Taguigueño ay makatatanggap ng school packages na may kasamang bag, daily school uniform at PE uniform, medyas, black shoes, rubber shoes, at kumpletong set ng mga pangunahing gamit sa paaralan. Ang mga mag-aaral sa Day Care at Kindergarten ay tatangggap ng karagdagang health kits. Personal na pinangunahan ni Taguig Mayor Lani…

Read More

BALIKBAYAN BOXES NAWALA NA, PINABABAYARAN PA!

RAPIDO NI TULFO  DAGSA na naman ang reklamong natanggap ng Rapido sa nawawalang balikbayan boxes. Noong nakaraang taon nang maipalabas at ma-deliver ang mga bagaheng halos dalawang taon nang natengga sa Bureau of Customs. Sa tulong ni BOC North Harbor collector Romeo Rosales, pinakiusapan nito ang Door-to-Door Consolidators Association of the Phils. (DDCAP) na i-deliver nang libre ang mga bagahe sa buong bansa. Sa pangalawang bugso ng pagbubukas ng container sa BOC, noong hawak na ni Dir. Michael Fermin ng BOC, nagulat kami nang malamang pina-bid pa ang inilabas na…

Read More