MAGING ang kaibigan at nagiging tagapagtanggol sa Senado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Senador Robin Padilla ay nananawagan na rin sa lider ng Kingdom of Jesus Christ na sumuko sa mga awtoridad. Binigyang-diin ni Padilla na dahil ang korte na ang naglabas ng warrant of arrest sa pastor ay makabubuting harapin na niya ang mga kaso upang mailahad ang kanyang panig. Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa mga tagasuporta ng Pastor na maging mahinahon at tiyaking walang karahasang mangyayari sakaling maaresto o sumuko na si Quiboloy. Kumbinsido rin…
Read MoreAuthor: admin 5
MGA KONTRA SA GOBYERNO HINDI DAPAT KASUHAN
(DANG SAMSON-GARCIA) HINDI pinaboran ng minority leader ng Senado ang posibleng paghahain ng mga kasong kriminal sa mga nagkokomento sa iba’t ibang isyu sa pamahalaan. Ani Senate Minority Leader Koko Pimentel, kailangan din namang pakinggan ang mga pananaw ng mga tao at huwag silang pigilang magsalita bilang paggalang sa kanilang right to free speech. Kasabay nito, nanawagan si Pimentel sa lahat na huwag nang hilahin o isama pa sa pulitika ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Partikular na umapela si Pimentel kay Cong. Pantaleon Alvarez makaraang manawagan ang huli…
Read MoreNAMRIA VESSEL, PCG SINUNDAN NG CHINA COAST GUARD
INIHAYAG ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinundan ng China Coast Guard ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) vessel na BRP Hydrographer Ventura at ang Philippine Coast Guard (PCG) na escort nito na BRP Gabriela Silang sa West Philippine Sea. Ayon kay Coast Guard Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for the West Philippine Sea, binabantayan ng China Coast Guard vessel ang Ventura at Silang, na magsasagawa ng week-long hydrographic survey sa north-western Luzon area. “Hindi totoo ‘yong sinasabi ng China na they are only deploying…
Read MoreMUKHA NG OBRERO KINARET NI LOLO
CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Hospital ang isang 44-anyos na construction worker makaraang tagain ng karet ang mukha nito ng kanyang kapitbahay na isang senior citizen habang naglilinis ng kalat sa Tagaytay City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Virgilio”, ng Brgy. Sungay West, Tagaytay City, inoobserbahan sa ospital dahil sa taga ng karet sa mukha. Isinugod din sa nasabing ospital ang suspek na si alyas “Rai”, 77, ng Brgy. Sungay West, Tagaytay City, dahil sa saksak sa kamay. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng…
Read MoreLADY TRADER PATAY SA HOLDAP SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang isang babaeng negosyante na may-ari ng isang stall sa public market, matapos na tangkaing holdapin ng riding in tandem sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Lydia Susondoncillo Platero, ng nabanggit na lugar. Ayon sa report ng Siniloan Police, dakong alas-6:20 ng gabi, sakay ang biktima ng tricycle na minamaneho ng isang kaanak at pauwi mula sa public market, nang harangin ang mga ito ng mga suspek na magkaangkas sa isang orange na motorsiklo sa Brgy. Mendiola at bumaba…
Read MoreBABAENG MISSING SA BOHOL, NATAGPUAN SA SAKO
BOHOL – Makaraan ang 12 araw na pagkawala, natagpuang bangkay sa loob ng sako ang isang babae sa ilalim ng bangin sa Barangay Cansuaguit, Loon sa lalawigan, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Roselyn Gaorian, na iniulat na nawawala ng Tubigon Police Station mula pa noong Abril 3, 2024. Huli siyang nakita sa kanyang trabaho bilang cashier sa isang LPG outlet sa Barangay Pinayagan Sur, bayan ng Tubigon. Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na ito nakauwi at hindi na rin makontak sa kanyang cellphone number. Ayon sa…
Read MorePINOY FISHERMEN SENT OFF TO WPS
Matapos tiyakin ang buong suporta ng gobyerno para mapalakas ang pangingisda, nakiisa si Senador Cynthia A. Villar sa pagpapaalis ng grupo ng mga mangingisda papuntang West Philippine Sea (WPS), sa paglulunsad ng proyekto ng BFAR na ‘Layag West Philippine Sea’ nitong Miyerkules, Abril 16, sa Subic Zambales. Kasama ng Senador, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, sina BFAR National director, Atty. Demosthenes Escoto, Subic Zambales Mayor Jonathan John F. Khonghun, Castillejos, Zambales Mayor Jeffrey Khonghun, National Security Council Deputy Director General Nestor Herico, PCG Commandant CG ADM Ronnie Gavan, Presidential…
Read More3 HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU
TATLONG hinihinalang big time drug personalities ang nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang mall sa Bicutan, Taguig City. Partikular na isinagawa ang operasyon sa basement parking ng isang mall sa Don Bosco, Parañaque City bandang alas-12:20 kahapon ng tanghali kung saan sakay ang mga suspek sa itim na kotseng Hyundai Accent na may plakang AQQ-2908. Kinilala ang mga nadakip sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga ahente ng PDEA-NCRO, katuwang ang Bicutan PNP, na sina Guaiani Guiaman…
Read MoreDOH KINALAMPAG NG DBM SA EMERGENCY ALLOWANCE
KINALAMPAG ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) na resolbahin ang mga isyu kaugnay ng kontrobersyal na health emergency allowance claims ng mga healthcare worker. Ginawa ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang naturang panawagan matapos na mailabas na sa DOH ang P91.283 billion mula pa noong pandemya para sa disbursement ng mga benepisyo at allowance ng health workers. Iginiit din ng DBM na base sa report ng DOH, tanging nasa P64 billion pa lamang ang na-disburse o naipamahagi mula sa P91.283 billion. Mayroon din aniyang…
Read More