COMPUTER TECHNICIAN TIMBOG SA PANANAKSAK

ARESTADO sa follow-up operation ang isang 24-anyos na computer technician makaraang saksakin ang kanyang kapitbahay sa Gawad Kalinga, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng gabi. Nadakip sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang suspek na si Mark Anthony Fernandez, kapangalan ng aktor, at residente ng nabanggit na lugar. Isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si Jet Bashan, binata, isang candle maker. Batay sa ulat ni Police Corporal Ehmil Paglinawan, bandang alas-11:30 ng gabi, nagkaroon ng…

Read More

KOTONGAN SA BI TALAMAK PA RIN

BISTADOR ni RUDY SIM SA kabila ng kinatatakutang giyera na posibleng pumutok sa ating karagatan laban sa higanteng puwersa ng China ay tila wala nang pag-asang magbago ang mga tiwali sa ilang ahensya ng ating pamahalaan. Matapos iutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na imbestigahan ang ilang opisyales ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa ibinisto natin na sablay na pangongotong ng ilan sa mga tauhan ng verification and compliance division sa travel agencies na nagproseso ng visa na nakitaan umano ng huwad na dokumento. Dahil dito ay…

Read More

DMW, BUNGAL SA MGA ABANDONADONG CARGO?

RAPIDO ni PATRICK TULFO ISA na namang cargo company ang inilapit sa Rapido na umano’y tila hostage ang mga balikbayan box. Ayon sa mga kaanak ng mga OFW na nagpadala sa CaPex o Cargo Padala Express, mahigit isang taon na umano nang magpadala ang kanilang mahal sa buhay sa UAE (United Arab Emirates) at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito natatanggap. Lagi umanong sinasabi ng mga tauhan ng CaPex na hindi sila binayaran ng counterpart nito sa UAE na WMC at FGTI kaya hindi nila ito idini-deliver. Ang…

Read More

3-DAY MEDICAL MISSION NI GOV. HELEN TAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat hakbang na tinatahak ng liderato ni Quezon Gov. Helen Tan tungo sa pag-unlad at pagkalinga, ang diwa ng Serbisyong Tunay At Natural ay patuloy na nagbibigay liwanag sa kanilang paglalakbay. Kamakailan lamang, ang Alabat Island, lalo na ang mga bayan ng Alabat, Quezon, at Perez, ay naging saksi sa isang kakaibang karanasan ng pagmamalasakit at paglilingkod sa pamamagitan ng 3-Day Medical/Dental and Surgical Caravan. Nabatid sa pagdating ng mga medikal na propesyonal sa lugar na ito, hindi lamang sila ang nagdala ng gamot at…

Read More

BAYAN TALO SA KUMPLIKADONG MARCOS-DUTERTE UNITEAM

EDITORIAL NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na walang aasahan ang ICC sakaling maglabas ito ng arrest warrant laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa madaling salita, hindi niya isusuko si Duterte sa ICC, kung saan may kinakaharap na kaso ang dating pangulo kaugnay ng war on drugs. Iginiit ni Marcos na hindi magpapasaklaw ang Pilipinas sa ICC dahil gumagana ang hudikatura sa bansa at ang puwersa ng pulisya kaya hindi sila dapat manghimasok sa Pilipinas. Aniya, maaari lamang pumasok ang ICC kung ang isang bansa ay walang kaayusan at…

Read More

MARCOS TIKLOP SA DRUG TEST

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG tumiklop si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hamon na muling sumailalim sa drug test dahil sa patuloy nitong pagkikibit-balikat. Noong Enero, ikinatwiran ng Pangulo na hindi niya binibigyang halaga ang mga katulad na panawagan. Sa panayam ng Unang Balita ng GMA 7, Martes ng umaga, hinikayat ng dating executive secretary ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na sumailalim ito sa “credible hair follicle drug test” para matuldukan na ang mga haka-haka at alegasyon na isa siyang illegal drug user. “It’s not dignifying, it’s…

Read More

RED AT GREEN UNIFORM NG MGA GURO PINALAGAN

PINALAGAN ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang bagong guidelines o alituntunin ng Department of Education (DepEd) hinggil sa uniporme na dapat gamitin ng mga guro at school personnel sa panahon ng tag-init. Base umano sa bagong guidelines ng DepEd, magkakaroon ng alternate uniform ang mga guro at school personnel sa dry season na kulay puti, pula at berde sa school activities. Ngunit itinuturing itong political color nina Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Parang mayroong political meaning ‘yan ah,…

Read More

DUTERTE SINOPLA SA SITWASYON SA WPS NOONG KANYANG TERMINO

KINONTRA ni Senador Risa Hontiveros ang pahayag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa maayos ang sitwasyon sa West Philippine Sea sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ipinaalala ni Hontiveros na noong panahon ni Duterte ay mistulang naging puppet ng China ang Pilipinas. Idinagdag ng senador na noong panahon ni Duterte naipasa ng China ang fishing ban laban sa mga mangingisdang Pinoy. Puna pa ng mambabatas na magkakaiba ang pahayag ng mga tauhan ni Duterte na nagpapagulo pa lalo sa sitwasyon. Dahil dito anya ay mas nararapat na magsagawa…

Read More

INIT TITINDI PA SA MAYO – PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang mas titindi pa ang mararamdamang init ng panahon hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, sa Metro Manila pa lamang, maaaring tumindi pa ang maramdamang init factor dahil sa epekto ng El Niño. Sa ginanap na QC Journalists Forum, sinabi ni Solis, nitong Abril 15 naitala ang maximum daytime temperature na 36.9 degrees Celsius sa Pasay City at maaaring tumaas pa ito…

Read More