LOLA NAGULUNGAN NG OIL TANKER, PATAY

CAVITE – Napisak ang katawan ng isang 60-anyos na lola nang magulungan ng isang fuel tanker truck na nagdedeliver ng gasolina sa oil depot sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Martes ng hapon. Wala nang buhay ang biktimang si Lerma Gutierrez y Abillo, biyuda, ng Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite nang dumating ang nagrespondeng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Rescue Unit ng Rosario, Cavite. Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu fuel tanker truck na may conduction sticker na D3 P735, na si alyas…

Read More

MAG-AMA SUGATAN SA PAMAMARIL SA SAN PABLO CITY

LAGUNA – Sugatan ang isang 60-anyos na lalaki at anak nito matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Purok 3, Brgy. San Ignacio, San Pablo City pasado alas-8:00 ng gabi noong Martes. Kinilala ang mga biktimang mag-ama na sina Renan Ongriano, at Joseph Ongriano, 37-anyos. Batay sa report ng San Pablo City Police, dakong alas-8:20 ng gabi, nakaupo ang mag-ama sa harap ng bahay nang dumating ang suspek na si alyas “Lyndon” at bigla na lamang pinagbabaril ang dalawa. Agad din itong tumakas matapos ang pamamaril patungo sa remote…

Read More

BARKO AT TUGBOAT NAGSALPUKAN, 1 SUGATAN

ISANG pasahero ang nasugatan matapos magbanggaan ang isang pampasaherong barko at isang tugboat malapit sa Isla Verde Passage sa pagitan ng Batangas City at Calapan City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, nangyari ang banggaan bago mag-1:00 ng madaling araw sa layong 2 nautical miles sa south east ng Isla Verde, sa pagitan ng pampasaherong Fastcat M19 at tugboat na MT Migi. Patungong Calapan City ang Fastcat habang parungo naman sa Antique ang tugboat na may hatak na barge na may kargang…

Read More

SCIENTIFIC APPROACH GAGAMITIN NG PNP KONTRA KRIMINALIDAD

SA LIKOD ng ulat na bumaba ng 21.60% ang antas ng krimen sa Pilipinas partikular sa tinaguriang focus crimes, ipinag-utos ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga regional commander at directors ng PNP support units, na pag-aralan kung paano pa mapapababa ang mga krimen sa bansa. Sinasabing pasisimulan ni Marbil ang scientific approach sa pagsugpo ng kriminalidad sa bansa, tulad ng crime mapping para malaman kung saan madalas at kailan naitatala ang mga focus crime para sa adjustment ng deployment ng mga pulis. Bukod dito, isa sa mahalagang…

Read More

PNR HUMINGI NG PANG-UNAWA SA SUSPENSYON NG KANILANG OPERASYON

HUMINGI ng pang-unawa at pasensya si Philippine National Railways Chairman Michael Ted Macapagal kaugnay ng pansamantalang pagtigil ng kanilang operasyon na nagsimula noong Marso 28. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Macapagal na panandalian lamang ang suspensyon para na rin sa mas maayos, mabilis na biyahe at ligtas na tren. Aabot sa 5 taon ang konstruksyon ng North-South Commuter Railways (NSCR). Ayon kay Macapagal, ang suspensyon ay pagbibigay daan sa konstruksyon ng P873.62 biyong halaga ng NSCR na mula sa Clark Freeport Zone sa Angeles City hanggang…

Read More

VP SARA IPINAGDASAL NG MISSIONARY VISUAL ARTIST

IPINAGDASAL ni Kristine Soguilon-Lim, isang kilalang missionary visual artist sa mundo si Vice President Sara Duterte. Sa kanilang pagpupulong, tinalakay nina Duterte at Soguilon-Lim ang mga plano at proyekto ng visual artist na nakahanay para sa kanyang mga Tribu at maging sa iba pang mga Katutubong Tribo sa bansa. Dumalo rin sa pagpupulong sina Hon. Jaime Jasper Lao Lim (mister ni Kristine) at kanilang anak na si Justine Soguilon-Lim, at mga miyembro ng Gawad Pilipino kung saan nagsisilbi si Kristine bilang Ambassador for Culture, Arts, and Indigenous People. 454

Read More

PHL EATSPERIENCE INILUNSAD SA LUNETA PARK

INILUNSAD sa ilang parke sa lungsod ng Maynila ang Philippine Eatsperience : Love the Flavors, Love the Philippines, nitong Miyerkoles kung saan naka-highlight ang mga kilalang Filipino food o mga pagkaing Pinoy. Pinangunahan ito nina Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, National Parks Development Committee, Executive Director Cecille Lorenzana-Romero at mga ambassador mula Malaysia at Thailand, ang aktibidad sa Noli Me Tangere Garden sa Rizal Park, Luneta. Inilunsad din ito sa Baluarte Plano Luneta de Santa Isabel sa Intramuros, Maynila. Ayon kay Frasco, ginawa ang Philippine Eatsperience ngayong Filipino…

Read More

TRABAHO SA SENIORS SUPORTADO NI NOGRALES

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang chairperson ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, sa panukalang batas na naglalayong paramihin ang mga trabaho para sa nakatatanda o senior citizens sa bansa. Ang committee on ways and means, sa isang joint hearing kasama ng committee on senior citizens, ay inaprubahan kamakailan ang panukalang “Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act.” Ang nasabing pinagsama-samang mga panukala ay kaparehas ng mga hakbang na naghahanap ng mga paraan upang magbigay ng mas maraming oportunidad sa…

Read More

DAVAO COURT NAGLABAS NA NG ARREST WARRANT VS QUIBOLOY

IKINATUWA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang arrest warrant na inilabas ng Davao Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa kasong child abuse. “We stand in solidarity with the victims and advocates seeking justice in this case. It is imperative that the legal process moves swiftly to ensure that those responsible for heinous crimes are held accountable and that justice is served,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Bukod kay Quiboloy, kasama sa ipinaaaresto ang mga kapwa nito akusado na sina Jackielyn Roy,…

Read More