12 BANSA ‘DI SAKLAW NG INTERNET VOTING NG COMELEC

HINDI saklaw ng internet voting sa 2025 election ang kwalipikadong overseas Filipinos sa 12 bansa dahil sa mga paghihigpit. Sinabi ni Comelec spokesperson, Atty. John Rex Laudiangco noong Martes, batay sa mga tala mula sa Office for Overseas Voting (OFOV), may kabuuang 17 posts o Philippine Embassies (PEs) o Philippine Consulates General (PCGs) ang apektado. Ayon kay Laudiangco, ang 12 bansa ay kinabibilangan ng China, Timor Leste, Papua New Guinea, Myanmar, Turkey, Russia, Nigeria, Jordan, Lebanon, Syria, Iran at Libya. Aniya, tinanggal na sa listahan ang PE sa Tel Aviv,…

Read More

RAPE SUSPECT NASILO SA NAIA

NASABAT ng mga operatiba ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, ang isang binata na wanted sa 3 counts ng statutory rape, nang mamataan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City noong Martes ng gabi. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na si alyas “Danloyd”, residente ng Malabon City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-10:15 ng gabi nang inguso ng isang impormante ang suspek habang papalabas ito ng bansa. Agad na nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang mga miyembro…

Read More

ROMUALDEZ UMANGAT TRUST, SATISFACTION RATINGS SA TANGERE SURVEY

TANGING si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa ang nagkaroon ng pagtaas sa trust at satisfaction ratings, batay sa resulta ng survey ng Tangere. Sa survey ng Tangere noong nakaraang buwan, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 52 porsyentong pagtaas sa trust rating mula sa 51 porsyento noong Pebrero. Ang satisfaction rating naman ng lider ng Kamara ay nakapagtala ng 41 porsyentong satisfaction rating, tumaas ng isang porsyento kumpara sa survey noong Pebrero. Nakakuha ng pinakamataas na rating si Speaker Romualdez sa Visayas region sa parehong…

Read More

Sa paglutang ng PDEA report HAMON NA DRUG TEST KAY BBM LUMAKAS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NABUHAY ang hamon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sumailalim sa drug test matapos umikot kahapon sa social media ang kopya ng umano’y operational documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga. Sa paglutang ng nasabing dokumento ay lumakas ang panawagan sa Pangulo na kumasa sa hamon upang patunayan na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya na isa siyang adik. Bago ito, ibinunyag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa drug watchlist ng PDEA si Marcos…

Read More

Sa gitna ng matinding init at pertussis BLENDED LEARNING MODE MUNA

(DANG SAMSON-GARCIA) IMINUNGKAHI ni Senate committee on basic education chairman Sherwin Gatchalian sa mga principal na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon. Sa ganitong paraan, sinabi ni Gatchalian na maipagpapatuloy ang edukasyon ng mga bata kasabay ng pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante at guro. Ilang lokal na pamahalaan na rin ang nagsuspinde ng klase simula kahapon bunsod ng matinding init ng panahon. Ipinaalala ni Gatchalian na sa ilalim ng…

Read More

PAGKONDENA NG SENADO SA AKSYON NG CHINA UMUSAD

NAGHAIN na ng resolution si Senate Majority Leader Joel Villanueva para sa pagbuo ng sense of the Senate kaugnay sa pagkondena sa patuloy na harassment lalo na ang ilegal at mapanganib na aksyon ng China sa West Philippine Sea. Sa kanyang Senate Resolution 980, isinusulong ni Villanueva na magkaroon ng iisang boses ang Senado upang suportahan ang executive branch sa pagsusulong ng mga legal at diplomatikong aksyon sa pakikipaglaban para sa ating soberanya. Layon din ng resolution na i-update ang inaprubahang sense of the Senate noong August 1, 2023 na…

Read More

KOREAN AMBA, IBA PANG EMBASSY OFFICIALS BUMISITA SA SC

NAG-COURTESY call kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo si Korean Ambassador-Designate to the Philippines His Excellency Lee Sang-hwa para sa kolaborasyon ng Pilipinas at South Korea. Pangunahing tinalakay sa pagbisita ng South Korean envoy ang potensyal na pagtutulungan ng dalawang bansa sa Asya, gayundin ang mahalagang paggamit ng teknolohiya sa hudikatura para makatuon sa pagbuo ng kapasidad ng cybersecurity at ang pagpapalitan ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng sistema ng korte. Ang dayalogo ay patunay sa matibay na pangako ng Philippine Judiciary na gamitin ang teknolohiya para…

Read More

LADY RIDER, 1 PANG DRIVER PINAGBABARIL SA CAVITE

CAVITE – Inoobserbahan sa pagamutan ang isang babaeng rider matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Cathy”, nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan sa Dasmariñas City, dahil sa tama ng bala mula sa ‘di pa kilalang suspek na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. San Miguel 1, Dasmariñas City, nang tumigil ito sa panulukan ng nasabing lugar ngunit dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril…

Read More

EX-KAPITAN AT CONTRACTOR NAKALUSOT SA AMBUSH

LEGAZPI CITY – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang dating barangay chairman at ngayon ay isang contractor, nang sila ay tambangan ng apat na hindi kilalang mga suspek habang sakay ng SUV sa Purok 3, Brgy. Mariawa, sa lungsod. Ayon sa report ng Legazpi City Police, hindi tumagos ang mga bala sa sasakyang Chevrolet Suburban ni Alwin Nimo, 38-anyos, kaya hindi nasaktan ang contractor at ang kanyang dalawang kasamang bodyguard. Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-9:00 ng gabi, galing ang mga ito sa paghahapunan sa isang restaurant sa Legazpi City…

Read More