BULACAN – Nagkalasog-lasog ang mga katawan ng mag-live-in partner matapos kaladkarin at araruhin ng rumaragasang container truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Manila North Road, Barangay Wakas, sa bayan ng Bocaue sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Laureano Mendoza, 50, at Jennifer Tarog, 51, rice miller, kapwa residente ng Bocaue, Bulacan. Base sa panimulang imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-2:15 ng hapon. Habang ang mga biktima ay sakay ng isang tricycle nang sila ay araruhin at kaladkarin ng container truck na Isuzu tractor head truck…
Read MoreAuthor: admin 5
NAGDIWANG NG EASTER SUNDAY, NALUNOD
QUEZON – Nauwi sa trahedya ang selebrasyon ng Easter Sunday ng magkakaibigang magkakabarangay nang malunod ang isang babaeng kasama nila sa picnic, na inakala nilang naiwan lamang sa ilog nang mag-uwian sila, sa Brgy. Apasan, sa bayan ng Sampaloc sa lalawigan. Kinilala ang biktimang si Ronalyn Orsua Flores, 39 anyos, residente ng Barangay Bataan. Ayon sa report, nagtungo sa Maapon river ang grupo ng biktima noong Linggo ng tanghali at nag-inuman habang nagsu-swimming bilang bahagi ng pagsalubong sa Linggo ng pagkabuhay. Nang mag-uwian na dakong alas-5:00 ng hapon, noon lamang…
Read MoreLALAKI TIMBOG SA ANNULMENT SCAM
ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang entrapment operation ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa tinatawag na “annulment scam” sa Quezon City. Kinilala ang suspek na inaresto ng NBI-National Capital Region na si Mark Figueras. Sinabi ng NBI-NCR, ito ay matapos magreklamo ang isang babaeng biktima na tinangayan umano ni Figueras ng P500,000 kapalit ng pangako na ma-annul ang kanyang kasal. Iprinisenta ng NBI si Figueras sa inquest proceeding sa Quezon City Prosecutors Office sa kasong estafa at falsification of public documents sa ilalim ng…
Read MoreNAGPANGGAP NA MTPB PARA MANGOTONG, TIKLO
KALABOSO ang isang umano’y delivery rider makaraang mabuking ng mga awtoridad na isa palang pekeng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang nagmamando ng trapiko sa Pedro Bukaneg Street, malapit sa Roxas Boulevard, sa Malate, Manila. Kinilala ang suspek na si Lloyd Tolentino, 27-anyos, sinampahan ng kasong robbery extortion at paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority). Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Samuel Cayabyab na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9,…
Read MorePCG FB ACCOUNT NAREKOBER NA
NAREKOBER na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang official Facebook page na muling na-hack kamakailan. Ayon sa PCG, dakong alas-9 ng umaga nitong Abril 2 nang tuluyan nang marekober ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang FB account. Ayon kay PCG spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, nakipag-ugnayan ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), at sa Meta upang magsagawa ng backend operations at i-assess ang security breach. Nakatakda ring magsagawa ang CGPAS ng panibagong…
Read More2 TIRADOR NG ‘TOKTOK’ NABITAG SA MAYNILA
KALABOSO sa Manila Police District – Ermita Police Station 5, ang dalawang ‘tirador’ umano ng motorsiklo na may sidecar o “Toktok” makaraang maghain ng reklamo ang 22-anyos na “Toktok” driver sa Intramuros, Manila noong Lunes ng umaga. Inaresto sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct, sakop ng Station 5, ang mga suspek na sina alyas “Daniel”, 17, at alyas “Carlo”, 16, kapwa residente ng Tondo, Manila. Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong attempted carnapping at attempted homicide. Base sa ulat ni Police Corporal Clonjecz…
Read MorePRC NAGBAKUNA SA BARMM KONTRA MEASLES OUTBREAK
SINIMULAN nang magbakuna ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Ito ay kasunod ng idineklarang measles outbreak sa nasabing rehiyon. Ayon sa PRC, nasa 128 bata na ang nabakunahan partikular sa Jolo, Sulu, partikular laban sa sakit na measles o tigdas, ng binuong Measles Mitigation Corps. Sa nasabing programa, nagtalaga ng apat na vaccinator at 16 support volunteers o mga lider na naghahanap ng mga bata na babakunahan, health promoters para magpaliwanag hinggil sa bakuna, at recorders para sa pagtatala…
Read MoreMALING KALKULASYON SA MONTHLY AMORTIZATION, SINO DAPAT MANAGOT?
RAPIDO ni PATRICK TULFO ISANG reklamo ang natanggap ng Rapido tungkol sa hulugang motor na kinuha ni Chrisantie Saz. Ayon kay Saz, kumuha siya ng brand new na Suzuki Raider R150 sa Nick Motorcycle Gallery sa Congressional Quezon City noong Pebrero ng taong 2021. Sa kanyang kontrata na pirmado ng ahente at representatives ng NMG, nasa mahigit P3,700 ang kanyang babayarang monthly amortization para sa kanyang motorsiklo sa loob ng 36 na buwan. Makalipas umano ang tatlong buwan ay tumawag sa kanya ang NMG at sinabing mali ang computation sa…
Read MoreTO THE RESCUE ANG MERALCO SA PALPAK NA SERBISYO NG ELECTRIC COOP
BISTADOR ni RUDY SIM AGAD na sumaklolo ang Manila Electric Company (MERALCO) sa karaingan ng mga naninirahan sa bayan ng Nasugbu sa Batangas kaugnay sa palpak at masamang serbisyo ng kuryente na nagdudulot ng brownouts, at sa kabila nito ay mas tumaas pa ang singil sa kuryente. Maging ang Sangguniang Bayan ng Nasugbu ay naglabas ng isang Resolution No. 368, na sinusuportahan na mapabuti ang liwanag ng buhay ng bayang ito upang mapalitan ang palpak na serbisyo ng electric cooperative na BATELEC 1. Maging ang lokal na pamahalaan ng Apalit, Macabebe,…
Read More