NANGANGAMBA si dating Executive Secretary Victor Rodriguez sa idudulot ng giyera sa bagong henerasyon ng mga Pilipino.
Ani Atty. Rodriguez, sakaling mauwi sa digmaan ang girian ng Pilipinas at China, magiging dahilan ito para magsara ang mga paaralan.
Aniya, hindi na ligtas ang mga Pilipino sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa nakaambang giyera laban sa China.
“You and I are no longer safe, our families are far from being safe, our country is not safe anymore because this administration brought us to where we are now on the brink of war with China,” ani Rodriguez sa panayam nitong Sabado sa idinaos na Hakbang ng Maisug Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Paliwanag ni Atty. Rodriguez, ang laban na ito ay hindi laban ng mga Pilipino kundi interes lang ng Amerika at ginagamit lang ang Pilipinas.
“Because they are pursuing a flawed unanimous foreign policy a foreign policy dictated by foreign interests by our foreign ally the United States of America. This is no longer the interest of the Filipino people this is already the interest of the United States of America,” dagdag ni Rodriguez.
Pinangangambahan din niya ang pagkalagas ng milyong buhay dahil hindi handa at walang kakayahan ang Pilipinas na sumuong sa giyera.
Nanghihinayang din siya sa mga gusali na maaaring masira tulad ng mga ospital at paaralan at kung mangyari aniya ito, magkakaroon ang Pilipinas ng henerasyon na mangmang.
“‘Pag sumiklab ang isang armadong digmaan laban sa China, hindi natin alam kung ilang taon magsasara ang mga paaralan at kapag ‘yan ay nangyari, magkakaroon tayo ng generation na kulang sa kaalaman kung hindi man ng isang henerasyon, ‘wag naman ng mga mangmang hindi dahil sa gusto natin, hindi dahil sa gusto ninyo, dahil ‘yan sa giyerang hindi naman natin interes na hindi natin kagustuhan,” ani Rodriguez.
