PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Las Piñas City, sa ginanap na oath-taking ceremony sa Las Piñas City Hall noong Biyernes, Hunyo 27.
Ang kaganapan ay pinangunahan ni First Lady Atty. Liza Araneta-Marcos na nagsilbing espesyal na panauhin.
Nanumpa sa kani-kanilang tungkulin sina City Mayor April Aguilar; Vice-Mayor Imelda T. Aguilar; at Congressman Mark Anthony Santos ng lone district ng Las Piñas.
Kasama rin sa mga nanumpa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 1 at District 2 kabilang ang nangunang Konsehal ng Las Piñas City na si Councilor Alelee Aguilar Andanar.
Pinangasiwaan ang oath-taking ni Judge Mildred Jacinto Marquez, First Vice Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 2-FC Las Piñas City.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Mayor April Aguilar ang taos-pusong pasasalamat sa tiwala ng Las Pin̈eros at nangakong magseserbisyo ng transparent at may malasakit.
“This new chapter is not only about continuing what we’ve started. It is about strengthening our foundation and pushing even further toward a city that provides quality health care, accessible and free education, livelihood and employment programs, safe communities, and lasting opportunities for every Las Piñero,” pahayag ni Mayor Aguilar.
Bilang suporta sa patuloy na progreso ng lungsod, tinurn-over ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang isang Patient Transport Vehicle (PTV) at ng pitong Starlink kits na ipamamahagi sa mga pampublikong eskwelahan upang mapagbuti ang parehong emergency response at internet connectivity.
Ginagabayan ng mga taon ng karanasan at pangakong kapakanan ng mga Las Pin̈ero, sa bagong administrasyon ay makikita sa lungsod na accessible ang mga mahahalagang serbisyo na sumisiguro sa mas magandang kinabukasan ng bawat pamilya sa Las Pin̈as.
(DANNY BACOLOD)
