ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) si Brgy. Chairman Ariel Bengua ng Pasacao, Camarines Sur at ilan pang kasamahan dahil sa illegal logging at quarrying batay na rin sa reklamo ng mga residente.
Hunyo nang lumapit ang ilang residente ng Pasacao kay Senator-elect Erwin Tulfo para isumbong ang walang habas na ilegal na pagputol ng mga kahoy at illegal quarry sa nasasakupan ni Bengua.
Agad namang nakipag-ugnayan si Sen. Tulfo kay NBI Dir. Jaime Santiago para matuldukan na ang pang-aabuso sa kalikasan sa naturang lugar.
Kasamang nahuli ng NBI sina Dennis Barrameda, hardware owner, Darel at Ronnie Barrameda at Emman Joy Osiana habang nagbebenta ng mga ilegal na pinutol na kahoy sa NBI agents.
Laking pasalamat ng mga residente kay Tulfo at sa NBI sa pagkahuli sa sindikato na matagal ng nilalapastangan daw ang kanilang gubat at mga bundok.
