1 PATAY SA SUNOG SA CALAMBA CITY

LAGUNA – Patay ang isang binatang estudyante sa sunog na tumupok sa isang residential house sa Laguna Buenavista Executive Homes sa Brgy. Barandal, Calamba City noong Lunes ng umaga.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection Calamba, natutulog sa ground floor ng bahay ang biktimang si Frederick Louie Antipuesto, nang sumiklab ang apoy dakong alas-5:30 ng umaga.

Sinabi ng isa sa mga kasama sa bahay, nasa 2nd floor siya kasama ang kanyang dalawang pinsan at ang nanay ng biktima nang marinig nila ang pagsigaw ng biktima na noon ay nasa ground floor.

Nang buksan nila ang pinto ng kwarto, nakita ng mga ito ang makapal na usok na nagmumula sa ibaba.

Agad na ginising nito ang tatlo at mabilis na nakalabas ng bahay subalit naiwan sa loob ang biktima.

Mabilis na nagresponde ang mga truck ng pamatay sunog subalit nang maapula ang apoy, nakita ang sunog na labi ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

 

326

Related posts

Leave a Comment