12 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA MOTOR BANCA

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng local government unit (LGU) ang 12 pasahero ng lumubog na family motor banca sa karagatang sakop ng Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Enero 7.

Ayon sa ulat, habang naglalayag patungo sa Dapitan City mula Selinog Island, nang mamataan ng coast guard at LGU personnel ang mga indibidwal malapit sa lumubog na motorbanca kaya agad silang nagsagawa ng rescue operation.

Kabilang sa 12 pasahero ang dalawang sanggol, dalawang bata, at walong nakatatanda.

Ayon sa mga nasagip, umalis sila ng Purok Langaman sa Talisay patungong Rizal Shrine, Dapitan City nang masira ang motor banca na naging sanhi ng paglubog nito.

Itinurn-over sila sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa Dapitan City para sa karagdagang tulong.

(JOCELYN DOMENDEN)

70

Related posts

Leave a Comment