2 BARIL, BALISONG NASABAT SA 3 CUSTOMERS NG FASTFOOD

CAVITE – Arestado ang tatlong kalalakihan makaraang makumpiskahan ng dalawang baril at balisong habang kumakain sa isang fastfood restaurant sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ramil”, “Jefferson” at “Mark”, pawang nasa hustong edad.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng ulat ang Kawit Police Station na tatlong kalalakihan ang nakitang may dalang baril habang kumakain sa fastfood restaurant sa Brgy. Magdalo-Putol, Kawit, Cavite.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at inaresto ang tatlo

dakong alas-10:15 ng gabi at kinumpiska ang dalawang .38 kalibreng baril (Armscor), walong piraso ng bala, tatlong cartridges at isang isang balisong.

(SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment