HOLDAPER SA JEEP SUGATAN SA PARAK

SUGATAN ang isang isang lalaki na nagtangkang holdapin ang isang pampasaherong jeep makaraang barilin sa binti ng isa sa mga operatiba ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, na mabilis na nagresponde nang humingi ng saklolo ang driver sa Ramon Magsaysay Boulevard, Barangay 634, Sta. Mesa, Manila noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Ryan”, binaril sa binti ni Police Corporal Tristan Dennis Penetrante nang tangkain siyang undayan ng saksak.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:40 nang sumakay ang suspek sa jeep na ipinapasada ni alyas “Teofilo” ngunit pagsapit sa nabanggit na lugar ay nagdeklara ito ng holdap habang nakatutok ang patalim sa likod ng driver.

Subalit nang malapit na sa presinto ng pulisya ay biglang inihinto ng driver ang jeep at mabilis na humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Mabilis namang nagresponde ang mga pulis ngunit tinangkang saksakin ng suspek si Corporal Penetrante naging dahilan upang barilin ito sa binti.

(RENE CRISOSTOMO)

57

Related posts

Leave a Comment