2 BUROL SA CHOCOLATE HILLS, NASUNOG

BOHOL – Nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng dalawa sa mga burol ng sikat na Chocolate Hills, na sakop ng bayan ng Carmen sa lalawigan noong Martes ng gabi.

Ayon sa inisyal na ulat, sumiklab ang sunog pasado alas-10:00 ng gabi.

Agad namang nagresponde ang mga miyembro ng BFP at pinagtulung- tulungang apulain ang apoy sa tuktok ng mga burol.

Subalit dahil sa may kataasan ang lugar, nahirapan ang mga bumbero na maabot ito at apulain ang apoy kaya ganap na nasunog ang dalawa sa mga burol ng nasabing UNESCO GeoPark.

Ang nasunog na mga burol ay ang dalawang laging nakukunan ng mga larawan ng mga turista na makikita malapit sa Chocolate Hills Complex.

Huminto naman ang apoy dakong madaling araw nitong Miyerkoles.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagsimulan at dahilan ng wildfire.

(NILOU DEL CARMEN)

67

Related posts

Leave a Comment