64-ANYOS LOLA HINALAY, PINATAY NG BINATILYO

LAGUNA – Patay ang isang 64-anyos na lola matapos halayin at bugbugin umano ng isang binatilyo sa Brgy. San Marcos, San Pablo City.

Kinilala ang biktimang si “Lola Emilia”, taga Brgy. Sta. Maria Magdalena, San Pablo City, natagpuang walang pang-ibabang saplot habang nakabulagta sa tabi ng puno ng saging. Halos nakahubad na rin ang pang-itaas na damit nito.

Ayon sa isang testigo, dakong alas-8:00 noong Linggo ng gabi nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa hindi kalayuan sa kanilang barracks sa kanyang pinagtatrabahuhang construction site.

Nang kanyang tingnan, nakita nito ang 16-anyos na binatilyong suspek na nakahubad at nakasuot ng bull cap at binubugbog ang biktima.

Agad niya itong ini-report sa pulisya subalit nakatakas na ang suspek at wala nang buhay ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng San Pablo City Police, natuklasan na maraming pasa sa mukha at katawan ang biktima.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng San Pablo City Police Station at naaresto ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa San Pablo City Police Station locked-up cell, at nahaharap sa kasong rape with homicide.

Isinailalim naman sa pagsusuri ng Provincial Forensic Unit ng Laguna Police Provincial Office ang bangkay ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

67

Related posts

Leave a Comment