2 DRIVER PATAY SA SUWAGAN NG 2 MOTORSIKLO

BATANGAS CITY – Kapwa patay ang dalawang rider nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa provincial road sa Batangas City noong Linggo ng gabi.

Magkasunod halos idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga driver na sina Luciano Mahaguay, 31, ng Brgy. Balagtas, Batangas City, at Joven Atienza, 26, ng Brgy. Catandala, sa nasabi ring lungsod.

Ayon sa report ng Batangas City police, magkasalubong na tumatakbo ang motorsiklo ng dalawa ngunit pagsapit sa Brgy. San Pedro ay nagsalpukan ang mga ito dakong alas-9:30 ng gabi.

Sa lakas ng salpukan, parehong natumba ang motorsiklo sa magkabilang shoulder ng kalsada at parehas dumanas ang mga biktima ng matinding pinsala sa kanilang katawan na kanilang ikinamatay.

Sugatan din ang backrider ni Mahaguay na si Justine Magtibay, 23, na nilalapatan ng lunas sa Jesus of Nazareth Hospital.

(NILOU DEL CARMEN)

261

Related posts

Leave a Comment