22 SUGATAN SA NABANGGANG MINIBUS

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang 21 pasahero at ang driver ng isang minibus makaraang mabangga ng isang Mitsubishi Fuso van sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Pawang isinugod sa Binakayan Hospital ang mga biktimang sina Crissa Ocampo Feliciano, Madeline Theressa Rodriguez Olmoguez, Teresita Centero Kraus, Myrna Centero Romero, Riza Jane Sevegan Berondo, Mark Joseph Alfaro Amar, Jurisa Bandarlipe Luna, Airis Bandarlipe Luna, Seandale Bandarlipe Donato, Rodolfo Lagarto Bandarlipe, Salvacion Ilao Bandarlipe, Judy Lucban Ocampo, Annaliza Tulao Catimbang, Mary Jean Amor Sumagdon, Nashnine Tulao Catimbang, John Paolo Reantaso Mediran, Vivian Talla Caranza, Francine Igat, Mark Joseph Alfaro, Jenica Obrero Tome, Rhaiven Diwa Delara, at ang driver ng pampasaherong minibus

Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Fuso van na may plakang DWC494, na si Rowell Alburo Tome, habang ang driver ng pampasaherong Rebuilt minibus na may plakang DXB247, ay kinilalang si John Carlos Robles Tampos, kapwa nasa hustong edad.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:45 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Tirona Highway, sakop ng Brgy. Marulas, Kawit, Cavite.

Kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang nasabing kalsada patungo sa direksyon ng Bacoor City, ngunit pagsapit sa nasabing lugar ay nabangga ng sasakyan ni Torre ang puwetan ng minibus na ikinasugat ng 22 katao kabilang ang driver nito.

(SIGFRED ADSUARA)

44

Related posts

Leave a Comment