2 HOLDAPER NASILO SA OPLAN GALUGAD

kulong

DALAWANG hinihinalang holdaper ang nadakip sa inilatag na “Oplan Galugad” ng Manila Police District – Malate Police Station 9, sa magkahiwalay na insidente sa Malate, Manila noong Miyerkoles ng gabi.

Unang isinelda ang suspek na si Haixan Putal, 35, residente ng Adriatico Street sa Malate.

Swak din sa selda ang suspek na si Sanny Fernandez, 31, ng nasabi ring lugar, nang matimbog ng tabi ng isang Hotel sa Adriatico.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, unang nabuslo si Putal dahil sa pagsaklolo ng mga awtoridad sa biktimang si “Wilmer” na hinoldap ng suspek

bandang alas-5:29 ng hapon sa panulukan ng Quirino Avenue at Adriatico Street, Malate.

Nabitag din ang suspek na si Fernandez nang holdapin ang biktimang si alyas “Jhonila”, 20, sa tabi ng isang hotel sa Adriatico St.

(RENE CRISOSTOMO)

49

Related posts

Leave a Comment