2 MUSMOS INIWAN SA BAHAY, PATAY SA SUNOG

CAVITE – Natusta ang dalawang musmos nang lamunin ng apoy ang kanilang barong-barong matapos iwanan ng kanilang nanay upang maghanap ng panggatong sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang musmos na sina Rhyle, 3, at Rhian, isang kindergarten student, at residente ng Brgy. Biluso, Silang, Cavite.

Ayon sa ina ng mga biktima, iniwan niya saglit ang kanyang dalawang anak sa barong-barong upang maghanap ng panggatong subalit pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. Biluso, Silang, Cavite dakong alas-3:00 ng hapon.

Dakong alas-4:15 ng hapon nang idineklarang fire-out ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog.

(SIGFRED ADSUARA)

41

Related posts

Leave a Comment