2 NURSE SUGATAN SA PAMAMARIL

CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Cavite Police sa isang riding in tandem na bumaril sa dalawang nurse sa bayan ng Rosario sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Divine Grace Hospital ang mga biktimang sina alyas “Joseph”, 22, at “Norbet”, 33, kapwa nurse, at mga residente ng Rosario, Cavite.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril.

Ayon sa ulat, galing sa trabaho ang dalawa at papasok sa kanilang bahay sa Brgy. Sapa 1, Rosario, Cavite nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima dakong ala-1:15 ng madaling araw.

(SIGFRED ADSUARA)

32

Related posts

Leave a Comment