2 PA SA 4 BANGKAY SA KOTSE, TUKOY NA

patay

RIZAL – Makaraan ang mahigit isang linggo, natukoy na ng Rizal PNP ang dalawa sa 4 na bangkay na nakita sa loob ng abandonadong kotse sa Sitio Licao-Licao, Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal noong Agosto 22.

Batay sa pahayag ng Rizal Provincial Office sa kanilang social media account noong Martes. ang dalawa pang bangkay na parehong babae ay sina Vivian Ayala, taga Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, at Riza Miamo, taga Barangay Dulong-Pulo, Bacoor, Cavite.

Una nang nakilala ng dalawang lalaking kasama ng mga ito na sina Carl Pabalan, 51,  tubong  Negros Occidental, at residente ng Isabang, Tayabas, Quezon, at Robert Ryan Amarillo, 40, tubong  Vigan Ilocos Sur,  at residente ng Lucena City.

Ayon sa mga awtoridad, malapit na nilang maresolba ang kaso sa pamamagitan ng patuloy na pag-iimbestiga ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) Macabud.

Mayroon na aniya silang lead sa kung sino ang mga suspek subalit tumanggi ang mga itong ilahad ang detalye dahil maaaring makaapekto sa kanilang pagtunton at pagkilala sa mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

20

Related posts

Leave a Comment