2 PATAY, 1 KRITIKAL SA KIDLAT

PATAY ang magpinsan habang kritikal ang isa pa nilang kaanak matapos silang tamaan ng kidlat sa Samal, Bataan, Biyernes ng tanghali.

Kinilala ng Samal police ang mga namatay na sina Kevin Sacris, 21 at pinsang si Elvin Sacris, 26, habang kritikal sa ospital ang isang Eddie Sacris, 40 taong gulang, pawang residente ng Purok Uno, Barangay Palili, Samal, Bataan at mga trabahador sa isang farm.

Batay sa report ng Samal police, sinabi ng may-ari ng lupain na si Gregorio Rodis na biglaan ang pangyayari.

Lumalabas sa imbestigasyon na unang tumama sa puno ng niyog ang kidlat dakong alas dose ng tanghali habang kasagsagan ang thunderstorm sa lugar.

Agad na bumulagta ang tatlo at nakumpirmang dead on the spot sina Kevin at Elvin Sacris.

Agad namang isinugod si Eddie Sacris sa Bataan General Hospital na huling iniulat na under observation. (NILOU DEL CARMEN)

77

Related posts

Leave a Comment