2 RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA AKSIDENTE SA KALSADA

CAVITE – Patay ang dalawang rider habang sugatan ang isang backrider sa aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Jericho Renzo Benzon y Tumlos, 24, ng Pasong Kawayan Gen. Trias City, Cavite at Fernando Tandas y Cacayuran, 42, ng Naic, Cavite. Sugatan naman si Billy Joe Ojas, 19, ng Gen. Trias City, Cavite, ang naka-angkas sa motorsiklo ni Benzon.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:58 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Governors Drive sa Brgy. Sabang Naic, Cavite kung saan minamaneho ni Benzon ang isang itim na motorsiklong Yamaha NMax at angkas si Ojas, habang isang itim na Yamaha N-Max din ang minamanehong motorsiklo ni Tandas.

Nabatid sa imbestigasyon, madilim at walang street light sa pinangyarihan ng insidente,  walang Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar at wala ring nakasaksi kung paano nangyari ang insidente

Inabutan lamang ng mga kagawad ng MDRRMC ang mga biktima sa

pinangyarihan ng insidente  na duguan at wala nang buhay ang dalawa

sa kanila habang si Ojas ay sugatan na agad isinugod sa ospital.  (SIGFRED ADSUARA)

467

Related posts

Leave a Comment