2 SENIOR CITIZENS PINATAY SA PAGPUTOL NG PUNO NG NIYOG

DAVAO CITY – Dalawang senior citizens ang patay makaraang pagbabarilin dahil sa pagputol umano ng puno ng niyog, ilang araw na ang nakararaan.

Dead on the spot ang mga biktima matapos pagbabarilin ng suspek sa Brgy. Cabantian, Davao City pasado, alas-7:00 ng gabi noong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Gaudiosa Reutotar, 73-anyos, at Romeo Lumoha, 67-anyos.

Ayon sa mga nakasaksi, nakaupo sa labas ng bahay ang babaeng biktima habang ang lalaking biktima ay nasa loob ng kanilang bahay nang biglang dumating ang isang lalaking lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga ito.

Tumakas naman ang hinihinalang suspek na kinilalang si Ludovico Ibañez, 59, residente ng Cabantian District.

Ayon sa Davao City Police, personal na alitan ang tinitingnang motibo sa krimen lalo’t tatlong linggo bago ang insidente ay nakaalitan ng mga biktima ang suspek dahil sa pagputol umano ng puno ng niyog ng mga ito.

(NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment