PINATAY NA OBRERO ITINAPON SA BASURAHAN

QUEZON – Natagpuan sa basurahan ang bangkay ng isang construction worker na pinagbabaril ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Concepcion Palasan, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan.

Isang residente ang nakadiskubre sa bangkay sa gilid ng barangay feeder road dakong alas-7:30 ng umaga noong Lunes at kaagad ini-report sa mga awtoridad.

Kinilala ang biktimang si Bob Bagatiora Catibog, 48, residente ng kalapit na Brgy. Bignay 1, Sariaya.

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita na may mga tama ito ng bala ng baril sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung doon ito mismo binaril sa lugar o itinapon lamang doon ang bangkay.

Inaalam din kung ano ang motibo at kung sino ang may kagagawan sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

73

Related posts

Leave a Comment