FILM DIRECTOR JADE CASTRO, 3 IBA PA NAKALAYA NA

NAKALAYA na noong Lunes ng gabi ang film director na si Jade Castro at ang kanyang tatlong kasama na inaresto at kinasuhan sa bintang na pagsunog sa isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon noong Enero 28.

Sa text message, sinabi Atty. Michael Marpuri, isa sa mga abogado ni Catro, bandang alas-8:00 ng gabi nang makalabas ng BJMP facility sa Catanauan sina Castro at lumuwas na rin pauwi sa kanilang mga tahanan.

Dagdag ni Marpuri, pinagbigyan ni Catanauan RTC Branch 96 Judge Julius Francis Galvez ang motion to quash the information laban kina Castro, na kanilang inihain.

Kahapon, inilabas din ng RTC Branch 96 ng Catanauan Quezon ang 16 na pahinang order na ang-uutos sa BJMP Catanauan, Quezon na palayain ang apat, na ayon kay Marpuri ay pagbasura ng korte sa demanda dahil mali ang pagkakaaresto sa kanila.

Destructive arson ang isinampang kaso kay Castro ng Catanauan Police, kasama sina Ernesto Orcine, Noel Mariano at Dominic Ramos.

Kinumpirma rin ni BJMP spokesperson, Chief Insp. Jayrex Bustamante ang paglaya ni Jade at 3 kasama.

(NILOU DEL CARMEN)

54

Related posts

Leave a Comment