20-ANYOS TIMBOG SA RAPE-SLAY SA BATANG BABAE

ZAMBOANGA DEL NORTE – Arestado ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na binata na sinasabing pumaslang sa isang 11-anyos na batang babae matapos na ito ay halayin sa Barangay Pangandao sa bayan ng Manukan sa lalawigan.

Ayon sa Manukan Municipal Police Station, nakakulong na ang suspek na si Melvin Gumelok, naaresto sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan, sa tulong ng mga impormante na nagturo sa kinaroroonan nito.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek ang pagpatay sa biktimang Grade 4 student na si Janeth Upod na kanyang kamag-anak, ngunit itinanggi na ginahasa niya ito.

Ang biktima ay iniulat na nawawala noong Abril 16 matapos na iwanan ng mga magulang sa kanyang lola.

Makaraan ang tatlong araw, nadiskubre ng mga residente ang bangkay nito na inilibing ng suspek sa mababaw na hukay sa isang bakanteng lote sa Barangay Pangandao.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape with homicide. Humingi na ng tawad sa pamilya ng biktima ang suspek hinggil sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

41

Related posts

Leave a Comment