DATING NPA MEMBER SUMUKO SA CAVITE

CAVITE – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at aktibong miyembro ng Gabriela Patungan Chapter, sa isang seremonya sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Martes.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Josie”, dating miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng Platoon Silangan, SRMA 4C at aktibong miyembro ng Gabriela Patungan Chapter, sa ilalim ng Save Patungan Now Movement, affiliated sa PAMALAKAYA-Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang maisakatuparan ng Intelligence Operatives ng 401st A MC, sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Jasper Montoya, Company Commander, kasama ang Maragondon Municipal Police Station; CPMFC Cavite PPO; RID-PIT Cavite; PIU-Cavite PPO; TF Ugnay, 21D, PA; RID NCRPO; NISG-NCR, PN, at SIS ng Muntinlupa CPS-NCRPO, ang pagsuko ni “Josie” sa Sitio patungan, Brgy. Sta. Mercedes, Maragondon, Cavite.

Pinagkalooban si “Josie” ng cash assistance at isang sako ng bigas, at isasailalim sa debriefing.

(SIGFRED ADSUARA)

58

Related posts

Leave a Comment